Maging si Peri ay nananabik na rin na muling madama ang pagsamba ni Haring Saithon sa kanya,ang muling pagsasanib ng kanilang katawan. Nang huling maganap iyon sa kanila ay nauwi sa pagpataw nito ng parusang kamatayan sa kanya at kay Saifron. Sabagay hindi niya ito masisisi ng mga sandaling iyon. Sobrang sakit nga naman na marinig sa bibig ng pinakamamahal mo ang pangalan ng ibang lalaki at paulit-ulit pa niyang ipinamumukha kong gano niya iyon kamahal. Kaya naman hindi talaga siya dapat nagtanim ng sama ng loob sa lalaki. Nasaktan niya ito ng labis. Pero ngayong maayos na ang lahat, malinaw na ang lahat sa kanya handa na niyang ipagkaloob muli dito ang sarili. Lalo pa at nasasabik na rin siyang maranasan muli ang mga yakap at maiinit na halik nito. Hindi naman siguro makakasama sa b