" Mag-iingat kayo mahal ko, nais ko sanang sumama para matiyak kong magiging ligtas kayong dalawa." naiiyak na pahayag ni Silvanna kay Prinsipe Saifron. Nag-aalala siya ng husto dito dahil kahapong gabi lamang ng umuwi ito may mga sugat ito sa katawan, ibigsabihin nahirapan ito sa pakikipaglaban lalo pa at nabalitaan niya na may tatlong malalakas daw na salamangkero na alaga ng pamilya ng Punong Ministro. " Mahal ko, wag kang mag-alala kasama ko na ngayon ang Mahal na Hari, mas higit siyang makapangyarihan sa akin kaya dapat panatag lamang ang iyong loob, magdasal ka kay Bathala na kami ay kanyang gabayan. " sagot nito,tsaka hinalikan siya nito sa noo, maging sa pisngi at labi. " Oo naman mahal ko, palagi ko kayong dinadamay sa panalangin ko. Basta palagi kang mag-iingat ha, kayo ni

