Araw ng Kasal. Napagkasunduang na ang reception ay sa malawak na harapan ng bahay nina Lola Maria. Ang motif ng kasal ay isinunod sa mga favorite color ng brides ang skyblue na favorite ni Periwinkle, ang green na favorite naman ni Alice at ang Red na favorite naman ni Silvanna. Ang lahat ng dumalo ay mga taga barangay din lang naman nila, nagulat ang lahat ng bigla nalang magpaanunsyo sa Baranggay ang kanyang Lola na may gaganapin ngang kasalanan sa bakuran nito. Maraming nagagandahang bulaklak na galing pa sa mundo nila Haring Saithon ang sinadya ng mga ito para ipangdekorasyon sa reception area at maging sa simbahan. Ang akala ng nihire nilang wedding coordinator ay inorder nila sa ibang bansa ang mga nagagandahan at kakaibang bulalak na iyon ang hindi ng mga ito alam ay nanggaling

