Kinabukasan. Isang malaking pagtitipon ang nakatakdang maganap sa malaking bulwagan ng palasyo. Ang lahat ay abala hindi alam ng lahat kung anong meron pero ipinag-utos ng Mahal na Hari na magkakaron ng piging kaya naman ang lahat ay nagtatanong kung para saan iyon. Maging ang Inang Reyna ng palasyo ay nagtataka sa ikinikilos ng kanyang anak. Hindi alam ng mga ito na umalis siya ng palasyo. Parang napakaraming nangyari pero iyon ay sa loob lamang ng halos ilang oras sa kaharian. Samantalang sa mundo ng mga tao ay ilang araw na ang nakalilipas. Hindi alam ng lahat na nakabalik na ang kanyang magiging Reyna. Na inaakala ng lahat na patay na. Alam ni Haring Saithon na hindi magiging madali ang lahat pero handa niyang gawin ang lahat para sa kanyang mag-ina. Maya-maya'y nakita