Napapabuntunghininga si Peri habang nakatingin sa bintana sa labas. Dalawang buwan na agad simula ng magtungo sila dito at mahigit isang buwan na niyang hindi nakikita si Saithon , ni wala manlang siyang balita mula dito baka busy itong masyado kaya hindi manlang nito nagawang makiusap kay Ginoong Istong na kumustahin sila o kaya makita manlang nito ang anak nila. Sa paglipas ng mga araw mas nagiging kakaiba ang mga kilos ng kanilang anak, dalawang buwan palang ngunit napakabilis na nitong maglakad na ikinakatakot niya ay baka mapansin ito ng mga kapitbahay. Sa katunayan ang ginawa ng kanyang Daddy, pinataasan ang kanilang bakod at maging ang gate para maitago nila ang kakaibang ikinikilos ng kanyang anak. Sinabi rin ng kanyang Mommy at Daddy na mas mainam ng makabalik na sila sa mundo n

