" Ugwang?" kunot noong tawag ni Haring Saithon sa katabing babae ni Prinsipe Saifron. Nasa likuran sila ng bahay at nasa harapan nila ngayon ang tila isang screen ng tv at doon nakikita nila sina Prinsipe Saithon, Silvanna, Ugwang at Ginoong Istong. " Tama po Kamahalan, siya ang ginawang kasangkapan ni Malina para matakasan niya ang kanyang kasamaan. Muntik ko ng mapatay ang sarili kong Ina dahil sa kasamaan ni niya. " pahayag ni Prinsipe Saifron. Yumukod naman si Ugwang sa kanya ngunit hindi nagsalita. " Ano ang plano mo Prinsipe Saifron? Gumawa ka na ba ng hakbang para sa kalapastanganang ginawa ni Malina?" tanong naman ni Peri. " Wala pa po Mahal na Reyna, ngayon ko lang po natuklasan na siya ang may pakana ng lahat. At ang mahal na Inang Reyna ang dahilan kung bakit namin natu

