CHAPTER 36 Ellyce. Sabay sabay kaming apat na pumasok sa HM's office kasama si Celestine. Ngumiti naman si HM nang makita kami. "You're back! And oh, is that Celestine?" Masayang bati niya. Tumingin muna ako kay Celestine bago tumango. Nilibot ko ang aking buong paningin sa loob ng HM office, wala pa sina Trixie? "Uhm. Good day po, HM. I'm Celestine Monteverde," masayang pakilala ni Celestine. Ngumiti naman si HM at inaya kaming umupo. "Wala pa po ba 'yung iba?" Curious na tanong ko. Nakuha ko naman ang atensyon ng mga kasama ko at nakakunot noong tumingin kay HM. "Hindi pa sila nakabalik. But, let's trust them," sabi niya. Tumango nalang kami sa sagot niya. "At tsaka nga pala, Celestine. Dito ka na mag-aaral at makakasama mo rin sa dorm sina Ms. Alcantara. Same class and schedules,"