CHAPTER 11
Ellyce.
Maaga akong nagising kinabukasan at ginawa ang aking morning routines. Second day na ng training namin ngayon.
Black skinny jeans, white t-shirt, black leather jacket and white vans shoes. Nakaponytail narin ang buhok ko at sinuot ang aking kwintas na kulay ginto at may bilog na pendant. Mom said that this is not an ordinary necklace because this is the Legendary one. May kulay blue, red, gray, sky blue, brown ang kulay nito tapos sa gitna ay kulay ginto. Ang sabi ni Dad sa akin noon, ang ginto ang pinakamakapangyarihan sa lahat at pinalilibutan ito ng iba't-ibang elemento.
Itinago ko ito sa ilalim ng damit ko. Laging pinapa-alala nila Mom and Dad sa akin na ingatan ko daw ito ng mabuti dahil ito nalang ang ala-alang naiwan sa akin ng totoo kong magulang.
Lumabas na ako ng aking kwarto at nagtungo sa kusina. Naabutan ko si Trixie na nagluluto habang si Fiona naman ay ina-arrange ang mga plato, kutsara at iba pang kakailanganin sa pagkain.
"Breakfast is ready!" Masayang sabi ni Trixie sabay latag ng mga niluto niya sa mesa.
"Okay. Anong meron ngayon at parang ang saya niyo?" Natatawang tanong ko. Ang hyper kasi ng dalawa. Well, hindi na ako magtataka kay Fiona, pero kay Trixie? Nah.
"Hindi mo alam?" Nagtatakang tanong ni Trixie.
"Like, duh! Magtatanong ba ako kung alam ko?" Mataray na saad ko. Nakita ko naman siyang napasimangot.
"Ay, transferee ka pala. Hehe, sarreh. Birthday kasi ni Trixie ngayon kaya magce-celebrate tayo!" Fiona said.
"Birthday mo ngayon, Trixie?" Tanong ko.
"Yes! And I'm 18 years old." She said while giggling. Napatango-tango ako.
"Happy birthday." Nakangiting bati ko sa kanya.
"Omygosh! You know, you look more beautiful when you smile," Masayang saad ni Trixie.
"Okay, pagbibigyan na kita. I'll take that as a compliment." sabi ko kaya nagtawanan kami.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng dorm at nagtungo sa traning room. Pagkarating namin ay naabutan namin ang mga classmates namin na may sari-sariling ginagawa.
"Good morning, Moonlightians." Rinig kong bati ni Sir Alex sa amin kaya nagsi-upuan na kami sa benches at binati si sir Alex pabalik.
"Okay. Ang gawin niyo ay palabasin ang pet guardian niyo at paamuhin. Ituro niyo sa kanila ang mga basics na dapat nilang matutunan. Start now." Sir Alex said.
Nanlumo ako. Patay! Hindi ko pa pala napalabas 'yong pet guardian ko! Ba't ko ba kasi nakalimutan? Ayt!
Nagpalabas na ang mga classmates ko ng kanilang mga pet guardian at ginawa ang mga basics.
Naglakad nalang ako patungo sa dulong bahagi ng training hall. Umupo ako sa lapag ng naka-indian seat at pumikit para makapag-focus.
Nanlaki nalang bigla ang mga mata ko nang may lumabas isang itim na usok sa mga palad ko at nag form ng pabilog sa harapan ko na sa tingin ko ay nag-e-evaporate.
Maya maya pa ay may itim at puting bilog na crystal na kumikinang at inikot-ikutan ang itim na usok.
May bigla nalang lumanding sa harapan ko na isang.. wait... Baby Wolf?
Humiga siya sa lap ko. Naglalambing yata. Pero wait.... ang cute niya!
Kinuha ko siya sa lap ko at kinarga papunta kina Fiona at Trixie na kasalukuyang teni-training ang kanilang pet guardian. Isang fairy kay Trixie at bulldog naman kay Fiona.
Hindi nila ako napansin na lumapit sa kanila, busy kasi sa pagpapa-amo kaya naisipan kong lumabas nalang ng training hall at dumeretso sa dorm.
Pagkapasok ko sa dorm ay agad akong dumeretso sa aking kwarto at nilagay ang baby wolf sa kama. Ano kayang ipapangalan ko sa kan'ya? Ni hindi ko nga alam kung babae ba ito o lalaki.
Tiningnan ko si baby wolf ng malapitan at napansin ko ang maliliit na muscles niya sa braso at binti. So, it means na lalaki siya? Ano kayang ipapangalan ko sa kan'ya? Fizal? Milo? Bearbrand? Birtch tree? Alaska? Nido? Nestogen? Bonakid? Ay peste! Ba't nasali ang mga brand ng gatas dito?
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay may biglang nagpop-out na ideya sa isip ko. Bakit hindi ko nalang ipangalan ang isang 'to kung ano ang pinakamaikling word na makakapag-describe sa kan'ya? Black and white ang color niya and some wolves are living in a cold place, right? What if, Ice ang ipangalan ko sa kan'ya? Okay na siguro 'yon.
"Ice.." Mahinang bulong ko.
Nakita ko na minulat niya ang kanyang mga mata at nag growl pero mahina lang. Bata pa eh, hahaha.
"Ice. You like that name?" Tanong ko at nanatili lang siyang nag-growl. Mukhang gusto niya 'yung pangalan na binigay ko sa kan'ya.
Hinaplos ko ang kanyang malambot na balahibo kaya napahiga siya ulit at pinikit ang kanyang mga mata. Pano kaya kung gawan ko siya ng sarili niyang higaan?
Nagpalabas ako ng limang Ice Balls sa kamay ko at pinag-isa. Pagkatapos ko siyang pagka-isahin ay pinorma ko siyang higaan na sakto lang kay Ice at nilagay sa lapag. Naglagay narin ako ng unan at maliit na cloud sa ibabaw ng kanyang higaan at pina-ulanan ng snow. Alam ko kasing matutunaw lang 'yung yelong ginawa ko kaya gumawa ako ng little cloud para permanent na siya.
Muli kong binuhat si Ice at nilagay sa kanyang bagong higaan at pumunta sa kusina para kumuha ng bottled milk at Pet bowl mat.
Naglagay ako ng gatas at pinwesto sa tabi ng higaan ni Ice bago lumabas ng kwarto. Naisipan kong pumunta muna sa garden. I need fresh air. I need to clear my mind.
Halos mag-iisang buwan na ako dito pero wala parin akong lead sa mga magulang ko, tsk. Kainis! Hindi kasi sinabi nila Mama at Papa ang itsura nila or kung ano ang kapangyarihan nila. 'Yan tuloy, wala akong clue. Psh.
"Hey! Nobody!"
Nagpalinga linga naman ako sa paligid ngunit wala namang tao. Tumingin ako sa itaas ng puno at do'n ko nakita 'yung lalaki sa training room. Si Tyrone yata?
Hindi ko siya pinansin at umupo nalang sa damuhan at sumandal sa trunk ng puno.
"Hey!"
Tsk. Bahala ka diyan. Feeling close naman nitong lalaking to at tsaka walang manners. Hey ba ang pangalan ko? Tch.
"Hey, bingi ka ba?"
Pinikit ko nalang ang mga mata ko at dinaramdam ang masarap na simoy ng hangin. Ngunit, bwesit lang talaga 'tong lalaking 'to. Paulanan ba naman ako ng maliliit na sanga? Aiysh!
"Bakit ba?! Kita mong natutulog 'yung tao eh, iniistorbo mo pa!" inis na bulyaw ko sa kanya at tumayo.
Tumingin naman ako sa kanya ng masama ngunit ngumisi lang ang loko. Gigil niya si ako!
Dahil sa inis ko ay sinipa ko ang puno ngunit hindi naman ganoon kalakas, 'yung slight lang para mahulog siya. Nagpipigil naman ako ng tawa ng mahulog siya at masubsub ang kan'yang mukha sa damo. Pfft~
"Argh! Humanda ka sa 'king babae ka!" Galit na sigaw niya kaya tumakbo ako palabas ng garden habang tumatawa. Hahaha. Ang epic nung itsura niya.
Tumakbo naman siya at hinabol ako. Myghad! Nakita ko sa pheriperal vision ko na malapit na siya sa 'kin. Damn that long legs! Mas binilisan ko pa ang takbo ko.
Wala akong pake kung pinagtitinginan na ako ng mga estudyante dito basta makatakas ako sa taong 'to. Wait...ba't nga ba ako natatakot? Ay ewan.
Napahinto ako sa pagtakbo nang makita ko sina Lolo at Lola sa labas ng main building mula dito sa glass window. Anong ginagawa nila dito?
Magteteleport na sana ako patungo sa kanila ngunit bago ko pa magawa 'yon ay may humawak na sa braso ko. Pagtingin ko ay napamura nalang ako ng mahina. s**t! nahuli ako ni Tyrone! Aiysh!
"Bakit ba?!" Inis kong sabi sa kanya. Kainis kasi eh. Gusto kong makausap sila Lola at Lolo kung bakit sila nandito kaso epal talaga 'tong taong 'to.
"Anong bakit? Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka sa akin." Inis na sabi niya.
Inirapan ko siya at tumingin ulit sa bintana para makita kung nandito pa ba sila Lolo at Lola ngunit wala na akong makita miski anino nila. Haist! Kainis! Mukhang umalis na sila.
***