CHAPTER 9
Ellyce.
Maaga akong nagising at ginawa ang aking morning routines. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang aming P.E uniform. Simple lang siya. Black jogging pants and dark blue jacket with hoodie. Sinuot ko na rin ang aking vans shoes. I tied up my hair into bun before leaving my room.
Before that, I take a look at the wall clock and notice that it's still 6:15 in the morning. Haist, sobrang aga pa. Mamayang 8:00 am pa kasi magsisimula ang aming training.
I heaved a heavy sigh.
Naisipan kong pumunta nalang sa cafeteria. Sa mga oras na ito ay paniguradong bukas na 'yon. I'm not craving for some foods. Masyadong marami ang nakain ko kagabi dahil sa adobo. My stomach is craving for a coffee.
Naglalakad ako sa hallway ng school patungong cafeteria. Wala pa akong nakikitang mga tao maliban nalang sa mga tagalinis at sa mga nagbabantay.
Nang makarating ako sa cafeteria ay agad akong pumunta sa counter at nag-order. 6:00 am to 9:00 pm kasi open ang cafeteria. Glad that they also served sweets in the morning.
"One caramel macchiato, please." sabi ko do'n sa assigned employee at hinintay ang kape. In this school, you don't need to worry about expenses. Libre ang mga pagkain dito. At kung may balak kang mamasyal sa mall which is malapit lang sa school, you need to gain points in your class and convert it into money para mabili mo ang gusto mong bilhin. This is how this world works. Too prestigious.
Pagkakuha ko ng aking order ay lumabas na ako ng cafeteria at nagtungo sa garden. Simula no'ng nag-transfer ako dito ay naging favorite tambayan ko na ang garden. Gusto ko kasi ang lugar. Tahimik at sariwa ang simoy ng hangin.
Pagkarating ko sa garden ay agad akong umupo sa ilalim ng puno at sumandal sa trunk. Mabuti nalang at dala ko ang aking mp3 player kaya hindi ako mabobore.
Sinuot ko ang aking headset at nagpatugtog ng music. Suddenly, nararamdaman ako ng kalungkutan. Nag-flashback sa akin ang mga ala-ala na naiwan nila mom at dad. Those happy image are taping inside of my head like a movie.
No'ng bata pa lamang ako, hindi ko ini-intindi ang mga problema na alam kong may kinalaman sa 'kin. Hindi pa naman kasi gaano kalawak ang pag-intindi at kamalayan ko sa aking paligid. I'm too young that time to think about those concerns.
Nag-stay muna ako ng ilang minuto sa garden bago napagdesisyonang pumunta sa training room. Pagkabukas ko ay may nakita akong isang imahe ng lalaki. Hindi ko makita ang itsura niya dahil nakatalikod siya. But, I can clearly sense that this guy is strong base on his aura.
Sinarado ko ang pintuan at sumandal sa pader habang nakatitig parin do'n sa lalaki. I wonder kung sino siya. Magkaklase kaya kami? Ewan. Hindi naman kasi ako interesado sa mga bagay na hindi naman importante. And one more thing, hindi ko rin 'yon pinagtutu-unan ng pansin.
Maya maya pa ay nakita ko siyang nagpalabas ng mga bolang apoy sa kanyang palad at pina-ikot ikot ito sa ere. A Fire Manipulator, I see.
Nagtaka ako nang bigla nalang siyang nawala sa kinatatayuan niya pati narin 'yung ginawa niyang mga fire balls. Pero kahit na ganoon ay hindi na ako nag-abala pang luminga-linga sa aking paligid para hanapin siya.
Sa di kalaunan ay bigla siyang lumitaw sa harapan ko, mismo. Nakita ko pa ang pagkagulat sa kan'yang mga mata nang makita ako pero agad din namang nakabawi at nag-tanong,
"You're early." He said.
Tumaas ang isang kilay ko. Hindi ko alam kung fc lang ba siya o ano. Nakikita ko kasing hindi naman siya palasalita sa iba.
"So what?" Tanging saad ko. He look at me intently and I swear, I can feel my heart beat faster than before. What the hell is happening to me?
After that, naramdaman ko nalang ang paglapit niya sa akin. At dahil nakasandal na ako sa pader, I don't have the chance to step backward.
"You're different. You're like an unsolved case to me. And I fvckin' need to fix it." He said, seriously. "The first time I saw you, I know that there's something special in you. Kahit hindi halata, alam kong higit pa sa inaakala ng iba ang kaya mong gawin." He added. I didn't uttered even a single word. Instead, umalis nalang ako sa harapan niya at pumunta sa gitna ng arena. Habang naglalakad ako ay ramdam ko ang malagkit na titig niya na siyang nagpapa-ilang sa akin. Aaminin kong kinabahan ako sa sinabi niya. He was like giving me a threat. Damn it!
Nang makarating ako sa gitna ay napitlag ako nang may naramdamang papalapit sa akin na mga Fire Balls kaya wala akong magawa kundi umiwas. Buti nalang talaga at malakas ang reflexes ko pagdating sa mga ganito. Ang alam ng lahat ay isa akong Ice Mage kaya wala akong laban sa apoy.
Pero siyempre, if there's a will, there's a fvcking way.
Nagpalabas ako ng mga Ice Bomb at sinalubong ang mga atake niya.
"Ice mage, huh?" Nakangising saad niya. Napa-irap ako. Obviously, as he can clearly see.
Again, nagpalabas siya ng Fire Phoenix at tinapon sa akin. Sinangga ko naman ito gamit ng aking Ice Blades. And after that, without doubt, naglagay ako ng tubig sa loob ng Ice Bomb. Nang dahil do'n ay mas naging agresibo siya.
Pumwesto siya sa gitna ng training room at parang nakikipaglaban sa mga kaaway kung kumilos. Mabilis siya, pati na rin ako. If anybody saw us doing shitty things... well, never mind.
Hindi parin siya tumitigil sa pag-atake sa akin, at ganoon rin ako sa kanya. Well, I admit, I'm enjoying this.
Walang pasabi akong naglabas ng mga higanteng Ice Cubes at buong pwersa itong tinapon sa kan'ya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang mapansin na hindi ito natutunaw ng kan'yang apoy.
But, he manage to dodge it. Nag-iba ang direksyon nito at dahil do'n ay tumama 'yon sa pader na unti-unting nagigiba. Mabilis niya ulit akong inatake.
Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng aking jacket at pasimpleng inatake ang mga Fire Phoenix niya gamit ng mga mata ko.
Sumabog naman lahat ng mga Fire Phoenix niya bago mapunta sa akin kaya gulat siyang tumingin sa akin. Nilaro ko ang dila ko sa aking bibig.
"H-how did you do that?" Gulat na tanong niya.
Nagkabit balikat lang ako.
Napatingin kami pareho sa pintuan nang bigla nalang itong bumukas. Nagmamadaling pumasok ang Royalties.
Nakita ko naman silang napanganga nang makita ang training room.
Napatingin na rin ako sa tinitingnan nila at napagtantong maraming nasirang bagay dito.
Nakita ko namang lumapit si Alyana at Krystal sa akin at nag-aalalang tiningnan ako.
Okay?
"Are you alright, girl? Sinaktan ka ba ni Tyrone?" Nag-aalalang tanong ni Alyana habang si Krystal ay tiningnan ang buong katawan ko. Is she checking something?
"Naku! Mabuti naman at wala kang injured. Pasensya ka na talaga sa kaibigan namin ah." Sabi ni Krystal. Mukhang alam nila ang nangyari. Malamang, sa itsura palang ng training room ngayon bisto na.
"What happened here?" Tanong ng isang boses galing sa pinto kaya napalingom kami doon at nakita namin si Sir Alex na nagtatakang tinitingnan ang buong paligid.
"Ah, Sir Alex, it's just an uncontrolled training. Pasensya na." paumanhin ni Alyana kay Sir.
Ngumiti lang si Sir at nagsalita. "It's okay, I can handle this mess."
Kinupas naman ni Sir ang dalawa niyang kamay at namangha nalang kami sa kanyang ginawa.
Unti-unting bumalik sa dati ang mga nasira. Wow! Amazing.
"Gusto ko talaga magkaroon ng power kagaya ni Sir para kung sakaling makabasag na naman ako ng pinggan ay maibabalik ko ito dati." Sabi ni Alyana.
"What's his power?" Tanong ko sa dalawa.
"His power is Airhodesies. He can control air at kasama na do'n ang kakayahan niyang ibalik sa dati ang mga bagay na nasira na, amazing right?" Sagot ni Krystal na sinang-ayunan naman ni alyana.
Few minutes later ay bumalik na sa dati ang training room na parang walang nangyari.
***