Chapter 20

1256 Words
CHAPTER 20 Ellyce. "Bultowronei! FIRE~ FIRE~ When I wake up in mah room! Room! I saw an unggoy! Saw an unggoy! Sabi niya sa akin, Trever! Sobrang pogi mo! Pogi ko daw! Waaahh! Heto na ang kabayo--este ang swaeg! Rumarap na naman na parang lasing!!" Rinig kong rap ni Trever. Tsk. Mali na nga ang tono, ini-iba pa ang lyrics. Malala na ang isang 'to. Pwede na ba siyang isugod sa mental? "Tsk! Will you shut your mouth, Trever?" Suway ni Alyana sa kanya. Nakita ko naman siyang napa-pout. Eww, gross. "Bakit Alyana? Pangit ba boses ko? Hindi mo na ba ako mahal? Bakit? May mali ba sa akin? Ha? Explain it to me! Because I deserve an explanation! I deserve an acceptable reason!" Drama niya. Tsk, nasira na siguro ang tuktok nito. "Shut up, Trever." Saad ni Tyrone. "Huhuhu. Hindi niyo na ako mahal lahat! Mga taksil kayo! Pangit ba ako?! Kapalit-palit ba ako?! Tell me why?!" Tsk! Ang ingay nitong taong 'to! So annoying! "Maghanda na kayo. Earth gemstone naman ang hahanapin natin," Frost said. Tumayo naman kami at inayos ang mga gamit namin bago lumabas ng nirentahan naming bahay kahapon. >>> Kasalukuyan kaming naglalakad dito sa bayan ng Araya. We're now starting to find the Earth Gemstone. Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay hindi ko maiwasang magtaka sa itsura ng mga tao rito. Nakangiti sila pero iba ang nakikita ko sa kanilang mga mata. Hindi tulad do'n sa unang pinuntahan naming lugar na makikita mo talagang masaya ang mga tao do'n at maayos ang pamumuhay, pero dito ay ibang iba kumpara sa unang lugar na aming pinuntahan. Parang magdurusa sila sa hindi ko malamang dahilan at parang meron silang kinatatakutan na kung ano. "San banda ba tayo pupunta, Treves?" Tanong ni Frost kay Treves. "Hindi ko alam kung saan ang tamang daan. Mirindian lang kasi ang nakalagay sa mapa kung saan natin makikita ang Earth Gemstone." Sagot niya. "Magtanong kaya tayo?" Sumang-ayon nalang kami sa suggest ni Trixie at lumapit do'n sa matandang lalaki na nagtitinda ng mga halamang gamot. "Magandang araw po, manong." Bati namin sa kanya. "Oh? Mga iha at iho. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Saad niya. "Gusto lang po sana naming magtanong kung alam niyo ba kung saan ang daan patungong Mirindian?" Fiona asked. "Ah, do----" Hindi na natapos sabihin ng matanda 'yung dapat niyang sabihin dahil bigla nalang nanlaki ang mga mata nito at nagmamadaling tumakbo papalayo. Ok? Anong meron? "Nandito na naman sila!" "Tumakbo na tayo, bilis!" "'Yung mga bata!" "Mama! Papa!" "Magtago na tayo!" Rinig kong mga sigaw nila. Nakatayo parin kaming sampu rito kung saan kami nakatayo kanina at may mga mapagtanong na itsura sa aming mga mukha. Bakit ba sila nagsitakbuhan? Napalingon naman kami dahil sa lakas ng ingay ng isang nilalang sa aming likuran at do'n namin nakita ang limang dragon na papalapit sa pwesto namin. Sino ba sila? "Who are they?" Frost asked. "I don't know either." Krystal responded. Napatingin ulit ako sa paligid at tila nagmistulang tahimik at wala nang tao na makikita kahit saan ang lugar. Ano ba talaga ang meron sa lugar na 'to? May nakita akong isang batang babae na umiiyak sa may gilid kaya agad ko itong nilapitan at lumuhod para magkapantay kami. "Bata? Bakit ka umiiyak? Nasaan ang mga magulang mo at bakit sila bigla nalang nagsipagtakbuhan?" Naka-kunot noong tanong ko sa bata. Inangat naman niya ang kanyang ulo at tumingin sa akin habang patuloy parin sa pag-agos ang kanyang mga luha. "A-ate, u-umalis na kayo ng mga k-kaibigan niyo d-dito... magtago na kayo dahil nandiyan na sila... ate..." Saad niya habang nanginginig ang mga kamay niya na nakahawak sa braso ko na tila parang takot na takot. "Bakit ka natatakot, iha?" Tanong ko ulit. Nothing can beat the curiosity that's building inside me. "Nandiyan na 'yung mga Mirilians ate....'y-yung mga dragon... ayun sila! Kinukuha nila ang mga gamit namin dito at kung hindi ay papatayin nila kami..." paliwanag niya. Mga halimaw pala 'tong mga dragon na 'to. Pinapatay nila ang mga mamamayan dito para lang sa sarili nilang interest. Bigla nalang nagbuga ng apoy 'yung dragon na nasa gitna kaya wala sa sariling napagawa ako ng barrier para protektahan ang sarili ko at ang bata. Nakita kong 'yon rin ang ginawa ng nga kasama ko. Hinila ko ang kamay ng bata at pumunta do'n sa pwesto kung saan ang mga kasama ko. "Sino siya?" Tanong sa akin ni Alyana. "I don't know. I just saw her crying." Sagot ko. Binalik ulit namin ang aming atensyon do'n sa limang dragon. Nakapasok na sila ngayon sa bayan ng Araya at winawasak ang paligid. Mga walangya naman pala talaga ng mga dragon na to. Sino ba sila para wasakin ang magandang lugar ng Araya?! "Guys? Did you see what I see?" Treves mumbled, but enough for us to heard. Nagtaka naman kami sa sinabi niya at napatingin rin sa tiningnan niya at napadpad ang tingin namin do'n sa dragon na nasa gitna. Nagpabalik balik naman ang tingin ko kay Treves at do'n sa dragon. Naguguluhan ako. Ano bang ibig niyang sabihin? "L-look! The necklace that the dragon was wearing. It looks like the Earth Gemstone." After niyang sabihin 'yon ay tiningnan ko ulit 'yung kwintas na sinuot ng nasa gitnang dragon. May brown na bato ang kumikinang sa may bandang leeg niya. "So? What are we going to do now?" Tanong ni Alyana. "Kill them." Tyrone said without any hesitation. Napatahimik kaming lahat matapos niyang sabihin 'yon. Really? Is there any other choice? "Okay guys, get ready. You fight with us Ellyce, and Fiona will take care of that little girl." Paliwanag ni Frost. Tumango naman ako at binigay 'yung bata kay Fiona. Tumakbo naman kami papunta sa lugar kung nasaan yung dragon at sabay sabay namin silang inatake. Gumawa ako ng mga malalaking ice bomb at inatake ang nasa gitnang dragon. Nakita naman ako ng dragon at nagbuga ng apoy kaya agad akong gumawa ng ice barrier na sobrang kapal. Masyadong malakas ang atake nitong dragon at hindi 'yon kakayanin ng isang simpleng barrier lamang lalo na't ang apoy ang nakakatalo sa yelo. But, if the ice's force is strong, there's a huge possibility that it can beat the fire. Pagkawala ng apoy na ginamit niya sa akin ay agad akong nagpalabas ng maraming ice spikes at inatake siya gamit nito. Nagbuga ulit siya ng apoy ngunit agad akong tumakbo sa kabilang lugar kung saan hindi niya ako matatamaan at inatake siya ng aking mga ice beam. "Rawr!" Sigaw niya. Nagpalabas naman ako ng mga ice bombs sa aking palad at pinapasok ito sa bunganga niya para sa loob na sumabog. Nang sumabog na ito ay unti unti na siyang naging buhangin at nawala. Napatingin naman ako sa mga kasama ko at nakita kong wala na rin 'yung ibang mga dragon, marahil ay natalo na nila. Lumipat naman ako sa pwesto kung saan ko nakita yung Earth Gemstone at kinuha ito. Maglalakad na sana ako patungo sa kung saan ang aking mga kasama ngunit naramdaman ko ang pamamanhid ng buo kong katawan at biglaang pag-ikot ng aking paningin. Ang akala ko ay mababagsak na ako sa lupa ngunit may isang taong sumalo sa akin. "Tyrone...." Mahinang bulong ko. Pati ang lalamunan ko sumasakit na rin, sa tingin ko masyado kong ginamit at kapangyarihan ko dahil do'n sa dragon kaya ako nanghihina ngayon. Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang dumilim ang paningin ko at wala narin akong naririnig na kahit ano. What's happening to me? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD