Chapter 03

1509 Words
CHAPTER 3 Ellyce. "What?!" Gulat na sigaw nila Lola at Lolo. Pagkauwi kasi namin sa bahay ay ikwenento ko kaagad sa kanila ang nangyari kanina. Nakaupo lang ako sa may couch katabi si Kuya, habang sina Lolo at Lola ay nasa harapan naming dalawa. Hindi mapakaling palakad-lakad. "Mukhang nagsisimula na naman silang gumalaw." sabi ni Lolo na tila kinakabahan. "So? What do you want us to do?" Tanong ni Kuya habang nakakunot ang kanyang noo. "Kailangan niyo nang umalis dito, nanganganib na ang buhay ninyong dalawa." sabi naman ni Lola. "At saan naman kami pupunta?" Tanong ko. Bakit ba sila nagkakaganyan? "Kailangan niyo nang pumunta sa lugar kung saan kayo ligtas." Seryosong saad ni Lola. "At kailangan niyo na ring lumipat ng school. H'wag niyo nang alalahanin kung saan kayo titira dahil may dormitory doon sa school na papasukan niyo. C'mon, pack your things. You two will be leaving tomorrow early." sabi ni Lolo kaya wala na kaming magawa ni Kuya kundi bumalik sa aming kwarto at mag-impake. Alam ko namang nag-aalala lang dina Lolo at Lola sa amin, pero tama ba na takasan nalang namin sila? So ibig sabihin, kung aalis kami ni Kuya rito, sino ang magbabantay sa kanila? My grandparents are stubborn sometimes. Pagkatapos kong mag-impake ay ginawa ko na ang aking night routine. Pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay agad akong humiga sa kama. Bigla nalang akong napahawak sa aking kwintas. Ito nalang ang ala-ala ko sa aking tunay na mga magulang. Sigh. Nasaan na kaya sila? Siguro naman may dahilan sila kung bakit nila ako Iniwan kina mama at papa. Ilang minuto rin ang lumipas na ganoon lamang ang posisyon ko hanggang sa di ko na namalayan na dinalaw na pala ako ng antok. >>> "Apo? Gising na, aalis na tayo maya maya." Rinig kong sabi ni Grandma kaya wala na akong magawa kundi bumangon nalang. Pagtingin ko sa oras ay alas-sais palang ng umaga. Bumangon na ako at naglakad papuntang banyo para maligo. Aftet cleaning myself, I decided to wear a simple white denim jeans and red fitted shirt. Pinaresan ko ito ng high cut black converse. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking pink na buhok at naglagay na rin ako ng contact lens. Lumabas na ako ng kwarto ko at naglakad pababa dala ang aking isang maleta at back pack. Pagkababa ko ay nadatnan ko sila lolo, lola at kuya na nakaupo sa living room. Hinihintay ata ako. "Good morning, Lola, Lolo at Kuya." bati ko sa kanila. "Oh, nandito ka na pala." sabi ni lolo. "Ay, hindi Lolo. Kaluluwa ko lang itong nakikita mo." pamimilosopo ko habang nakapoker face. "Tsk! Tara na nga." sabi ni Lolo at lumabas kaya sumunod na kami nila Lola at Kuya sa kanya hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Si Lolo na ang nagprisentang mag drive habang si Lola naman ay nasa passenger seat at kami ni Kuya ay nasa likod. Nakatulog agad si Kuya nang magsimula na kaming bumyahe. Kaya heto ako ngayon, nakikinig ng music sa aking headphone habang nakapikit. Hanggang sa dalawin nalang ako ng antok >>> 2 hours passed. "Mga apo, gising na kayo. Nandito na tayo." sabi ni Lola habang niyuyugyog ako at ganoon din si Lolo kay kuya. Yawn. "Asan na po ba tayo?" Tanong ni kuya. "Nandito na tayo sa school na papasukan niyo." sagot ni Lolo habang nakangiti. Pagkababa namin ni Kuya ng sasakyan ay bumungad sa amin ang isang napakalaking gate na kulay puti at sobrang taas to the point na hindi ko na makita ang tuktok nito. Wow! This is my first time to see a school with a very huge gate. I wonder kung ano ang itsura sa loob. Moonlight Academy. 'Yan ang nakalagay sa gate. Just by looking at it, I had goosebumps. Maya maya pa ay bigla nalang nagbigkas si lolo ng isang spell at bumukas naman 'yung napakalaking gate. Nang makapasok na kami ng tuluyan ay napanganga ako sa ganda. School ba 'to? Wow! It's so big and magical. Naglakad na ulit sila Lolo at Lola kaya sumunod na kami ni Kuya. Binuksan ni Lolo ang isang double door at pumasok kami d'on. Pagkapasok namin ay naglakad pa ulit kami hanggang nasa tapat ulit kami ng isang double door. May nakasulat sa pinto na 'Headmaster's office'. Kumatok muna si Lolo ng tatlong beses at bigla nalang bumukas ang pinto. Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang isang lalaking sa tingin ko ay nasa 30's palang. Ngumiti naman siya nang makita niya kami. "Long time no see Mr. And Mrs. Alcantara." nakangiting bati niya sa amin. Siya ba ang Headmaster? "Same to you, Dino. By the way, this is our grandchildren. Meet Asher Green Alcantara and Kyline Ellyce Ariana Alcantara." Nakangiting pagpapakilala ni Lola sa aming dalawa ni kuya. "Oh, welcome to Moonlight Academy Asher and Kyline, here's your dorm keys. Ipapadala ko nalang ang uniform niyo mamaya. Bukas na kayo papasok since last month pa nagsimula ang klase dito. Your classroom Kyline is on Lyrus 12, while you Asher is on Lyrus 20." Sabi ni HM. So, maaga palang mag-start ang klase dito kumapara sa mortal world. "Please take care of them." sabi ni Lolo kay HM. "I will. Don't worry, seniors." sabi ni HM. "Sige mga apo. Aalis na kami. Mag-iingat kayo dito palagi." sabi ni Lola at lumabas na silang dalawa ni Lolo sa silid. Pagkalipas ng ilang minuto ay may bigla nalang pumasok na isang babae na mukhang nasa 20's. "Miranda, ihatid mo sila sa kanilang dorms." Sabi ni HM. "Lets go." Nakangiting sabi ni Miranda at naunang lumabas. Sumunod nalang kami sa kanya hanggang makarating kami sa likod ng main building. May dalawang building ang nakatayo sa likod ng main building na sa tingin ko ay mga dorm. "Nandito na tayo--- and oh, by the way, nasa kaliwa ang dorm ng mga boys at sa kanan naman sa girls. Nandyan na sa keys niyo ang magiging dorm number ninyo so I gotta go now, bye." sabi ni Miranda at bigla nalang nawala sa harap namin kaya wala na kaming magawa ni Kuya kundi pumasok sa aming dorm building. Bago pa man ako makapasok ng tuluyan ay may natanaw akong isang mini mansion sa gilid ng building ng boys dorm. Ano kaya 'yon? Tiningnan ko ang key ko para malaman kung ano ang number ng dorm ko. Dorm #663, 10th floor. Sumakay ako sa isang elevator at pinindut ang number 10. Pagkarating ko ay hinanap ko kaagad ang room number ko at hindi naman ako nagtagal dahil malapit lang ang magiging dorm ko sa elevator. Mabuti naman kung ganoon. Kulay brown ang pinto. May narinig rin akong mga noises sa loob. Sila siguro ang mga ka-dorm mates ko. Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan naman ito ng isang babae. Hanggang balikat lang ang buhok niya at maputi rin siya. Kung titingnan ay mas matangkad siya sa akin ng mga 2 inches, brown eyes and hair, bilugang mga mata, at fit body. "Omygosh! Ang ganda mo naman. Ikaw ba si Kyline Ellyce Ariana Alcantara? Grabeh! Ang haba naman ng name mo." Sabi niya. May pagka-madaldal pala ang isang 'to. Haist! Mukhang mahihirapan akong makisama sa kanya. Ayoko kasi ng mga maiingay na tao. "I'm your new dorm mate." I said using my natural voice. Tinatamad akong magsalita. "Ay, you're kinda cold person pala. But, don't worry, masasanay rin naman siguro kami. By the way, I'm Fiona Joy Ferrer, 17 years old, Witch. Halika sa loob, ipapakilala kita kay Trixie." ang ingay talaga ng babaeng 'to. Pumasok kami sa loob ng dorm. The dorm's design is classy at completed na lahat. May kusina, living room, may nakita rin akong hagdan pataas. Nandoon siguro ang mga rooms namin. "Trixie?! Nandito na siya!" Sigaw ni Fiona sa babaeng nagluluto sa kusina. Hmm... maganda siya. Hanggang bewang ang kanyang buhok, singkit na mga mata at manipis na mapulang labi, magkasing tangkad lang kami, sky blue ang kulay ng kanyang buhok same as her eyes. "Hello. I'm Trixie Jel Falleria. Glass manipulator at 17 years old, nice to meet you." She introduced. May pagka-mahinhin siya. Mabuti naman at hindi siya katulad ni Fiona. >>> "'Yung second to the last ang room mo. Anong section ka pala?" Said Fiona. "Lyrus 12." Tipid na sagot ko. "Oh, great! Magkaklase pala tayo eh. Sabay na tayong pumasok bukas." Hyper na sabi ni Fiona. "Sige na, matutulog na kami. Good night." Nakangiting saad ni Trixie bago pumasok sa kaniyang kwarto. Ganoon din si Fiona. Pumasok na rin ako sa aking kwarto at inaayos ang aking mga gamit. Maganda naman ang design ng room. Black and white. I just like it, not love it. Red is my favorite color so it would be nice if my room color is my favorite color. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay ginawa ko na ang aking night routine at humiga sa kama. Sigh. Sana magiging okay lang talaga kami ni kuya dito sa school. At sana rin, makayanan kong makisama sa ibang mga tao dito. Especially those two. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD