Chapter 06

1227 Words
CHAPTER 6 Ellyce. Kasabay ni Ma'am Castro pumasok si Trixie at Fiona. Napakunot ang noo ko nang makita ang magulo nilang buhok at hindi maayos sa pagkakasuot na neck tie. Napataas ang isang kilay ko. Bagong gising ba sila? "Grabeh ka naman, Ellyce. Ba't 'di mo kami ginising?" Medyo hinihingal na tanong sa 'kin ni Fiona nang maka-upo sa kanyang upuan. Ganoon rin si Trixie. "I am not your mother so it's not my responsibility to wake you up early in the morning during school days." I said, plainly. Nakita ko namang napasimangot siya at bumuntong hininga. "Hay naku, akala ko talaga malelate na kami." Trixie blurt out in relief. “Next time, gisingin mo kami, okay?” Gagad ni Fiona. Nagkabit balikat nalang ako at tumingin sa labas ng bintana. "Good morning, class." Ma'am Castro greet us with a smile on her face. "Good morning din, Ma'am Castro." bati rin nila pabalik. I didn't bother myself to speak. "So for now, we're going to talk about the history of Magic world. Aren't you interested?" Sambit ni Ma'am ng hindi parin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Nakita ko naman na parang na nae-excite ang mga classmates ko. Okay? Why is it? "Omygosh! This is the first time na pag-uusapan ang history ng magic world!" Pabulong na sigaw ni Fiona na may kasama pang mahihinang tili. "Then?" Sabi ko habang nakataas ang isang kilay. "Dati kasi, puro mga royal witches, elves, sorceress lang ang tinuturo dito. But now? I can't name what I'm feeling right now." Nagpipigil tiling saad ni Trixie. "I don't get your point. Bakit? Is it forbidden?" I asked again with confusion in my voice. "Yes, tama ka. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ni Ma'am at ito ang napili niyang ituro." Trixie respond. Hindi na ako nagsalita pa at tumingin nalang kay Ma'am para makinig. Makinig? Yeah right. Since preschool, hindi ko magawang makinig sa mga tinuro ng guro. Ano kayang sumapi sa akin para makinig? "Hundreds of years ago nang mabuo itong magic world. Immortals are used to trained to enhance their ability. Nagawa pa ng mga kalahi nating makisalamuha sa mga normal na tao. But, unexpectedly, may isang immortal ang nauhaw sa kapangyarihan. Nang dahil do'n ay naisip niyang mag-eksperimento ng normal na tao para gawin niyang kakampi. He used to inject a dark cursed magic to those victims. Maraming normal tao ang nangamba at natakot dahil sa kan'ya. Maraming mortal ang nagdurusa sa kasamaan niya. Naging sapat na dahilan 'yon para kasuklaman tayo ng mga mortal. At dahil do'n, hindi na nila tayo nilubayan at pilit na pinapaalis sa mga landas nila. But thankfully, the Gods and Goddesses help us to leave their world and rises again." Ah, ganoon pala? Tsk. Bakit kaya ang sasama ng ugali ng mga normal na tao? Hindi naman lahat ng imortal ay masama. Masyado silang mapanghusga. Dapat, don't judge the book by it's cover. So, they better don't judge us because we're not a book. Tch. "Excuse me, ma'am. I have a question." Said Fiona while raising her right hand. "Yes, Ms. Ferrer?" Sabi ni Ma'am Castro. "'Di ba sabi niyo po na tinulungan tayo ng mga Gods and Goddesses na makaalis sa mundo ng mga tao?" Fiona said. "And?" "Then ibig niyo po bang sabihin, wala po tayo sa earth? I mean, nasa ibang planeta po ba tayo?" Nakakunot-noong tanong ni Fiona. Nabaling ang tingin ko sa kanya nang may pagtataka. What does she mean by that? "Yes, Ms. Ferrer. Were not on earth nor other planet. Nandito tayo sa isang dimensyon. Our place called Moonlight City, at ang tawag sa mga immortal na katulad natin ay mga Moonlightians." Ma'am explained. Muling tumaas ang isang kilay ko. As far as I remembered, kotse lang ginamit namin para makarating dito. Pumasok ba kami sa isang portal habang natutulog ako kaya hindi ko namalayan? Or naging spaceship ang kotseng sinasakyan namin? Well, never mind. "So, lets continue. The Gods and Goddesses owned a book called the prophecy book. That book contains what will happen in the future. Naging mapayapa ang magic world dahil ito ang nakasaad sa libro. Until one immortal born. Siya ang tinaguriang prinsesa dahil sa angkin niyang galing at lakas. Nang ipinanganak siya ay napagdesisyonan ng mga Gods Goddesses na bumuo ng ibat-ibang kaharian base sa elemento. The Kingdoms are named, Fire Kingdom, Water Kingdom, Ice Kingdom, Air Kingdom, Witch Kingdom, Sorceress Kingdom, and the most powerful, the Legendary Kingdom also called the Main Kingdom. Since Princess Janine is the most powerful immortal here in magic world, she belongs to the Main Kingdom. Nang malaman ng mga taga Dark Wizards, our counterpart, ang tungkol sa prophecy book at prinsesa ay gusto nila itong makuha. The Dark King's lord is hungered of her power. They've tried everything just to get her but they refuse because the Gods and Goddesses are always staying her side, protecting her. Still with me class?" Mahabang lintyana ni Ma'am. "Yes, Ma'am." Tugon ng mga kaklase ko. Kanina pa kasi sila tahimik. Ako naman ay nanatili paring nakatitig kay ma'am. I don't why but I'm fvcking curious as hell! May part sa akin na hindi mapanatag pag hindi ko nalaman kung ano o saan ang pinanggalingan ko. "Okay. Lumipas ang limang taon ay nag-asawa ang prinsesa. Si Chris, an ordinary immortal but has huge responsibility because he's destined to marry the Princess. Tinanghal sila bilang the Legendary King and Queen dito sa magic world at sila rin ang namumuno sa Legendary Kingdom. As years passed, nabiyayaan sila ng isang anak na babae, si Princess Ellyce Kashimato---" Hindi na ni Ma'am natapos ang sasabihin niya nang bigla nalang mag bell. Right. Just right. Hindi ko man lang namalayan na two hours na pala ang nakalipas. Ba't kaya ang bilis ng oras dito? Tss. What a cliffhanger. Pagkatapos ng klase sa umaga ay walang pasabi kaming dumeretcho sa cafeteria. "Grabeh talaga 'yong history kanina. Akalain mong kapangalan mo 'yung anak ni Queen Janine, Ellyce? Wow!" Fiona said with amazement in her voice. Tsk! Hindi na yata magbabago ang pagkamadaldal ng babaeng 'to. Siguro, pinaglihi siya ng nanay niya sa Baygon. "Yeah, it's Daebak!" Sambit ni Trixie. "No, it's sugoi! Sugoi." Singit ni Fiona. Napakunot ang noo ko. Hanu raw? SHOKOY? Aba! Ginag*go yata ako nitong babaeng 'to ah. Ano naman ang shokoy do'n, aber? Sometimes, I really can’t understand Fiona. She have this really annoying attitude sometimes. Ang pagiging maingay at madaldal. Inaamin kong na-excite ako sa history kanina. Kakaiba kasi eh. May mga bagong pangalan akong narinig at nalaman. Sa mortal world kasi, paulit-ulit nalang binabanggit ng mga history teacher si Magellan, Lapu Lapu, Jose Rizal at iba pang mga bayani. Nakakasawa na minsan. "Sa restroom lang ako." Paalam ko sa kanilang dalawa. Hindi ko na hinintay ang tugon nila at nagtungo na sa restroom. Hanggang ngayon binabagabag parin ako nitong pakiramdam ko na may mangyayaring masama kina Lola at Lolo. I just hope na false alarm lamang ito. Agad akong naghugas ng kamay at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Sino kaya ang mga magulang ko? May pinagmanahan ba ako? Napabuntong hininga nalang ako at lumabas na ng restroom. After lunch ay saktong tumunog ang bell ng school kaya agad kaming nagsipagbalikan sa room at hinintay ang guro namin para sa afternoon class. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD