CHAPTER 24
Ellyce.
"Pano tayo makakabalik sa academy?" Tanong ni Fiona. Oo nga naman, pano kami makakabalik?
May nilabas naman si Treves na isang relo yata? Ewan.
"As long as I press the center button, the portal will appear in front of us. That's what Head Master said." Tumango nalang kami sa sinabi ni Treves. Tsk! Portal na naman? Aiysh! Ayaw ko nang sumakay do'n pero no choice eh. Alangan namang magpapa-iwan lang ako dito?
"Pumunta muna tayo sa lugar kung saan walang tao para walang makakakita sa atin," Sumang-ayon naman kami sa sinabi ni Alyana at naglakad papunta sa isang madilim na eskinita kung saan walang tao na dumadaan.
Pinindot ni Tyrone 'yung button at may lumabas na puting usok mula rito hanggang sa naging portal ito.
"Let's get going," Sabi ni James at nauna na silang pumasok do'n sa portal. Nakasimangot naman akong pumasok do'n hanggang sa makarating kami sa harap ng gate ng academy. Napahawak ako ng sintido ko at ipinikit ang aking mga mata ng mariin dahil sa pagkahilo. Aiysh!
Lumapit si Alyana do'n sa gate at hinawakan ito. Narinig ko naman siyang nagbigkas ng isang spell bago bumukas ang gate. Pumasok na kami sa loob at ang maraming studyante at ang masarap na simoy ng hangin ang sumalubong sa amin. I admit that I miss this kind of feeling.
Rinig ko pa ang mga sari-saring bulong nila. Even if I didn't use my hearing ability, I still can hear their gossips, kung bulungan ba talaga ang tawag do'n. Rinig na rinig ko kasi eh. Or sinadya talaga nilang iparinig sa amin 'yung mga sinasabi nila? Psh, the hell I care?
Dumeretso na kami sa office ni HM, pagkarating namin ay kumatok muna kami bago pumasok. Nadatnan naman namin si HM na nagbabasa ng libro.
"Oh. You're here," saad niya nang mapansin niya kami "Take a sit. Nakompleto niyo na ba ang mga gemstone na pinapahanap ko sa inyo?" HM started.
"Okay naman po Head Master. At tsaka, nakompleto na po namin ang pinapahanap niyong gemstones," Sabi ni Fiona at nilagay sa mini table 'yung bag na pinaglalagyan namin ng gemstone. Binuksan naman ito ni HM at kinuha 'yung mga gemstones na nakuha namin. Nakita ko naman siyang ngumiti.
"Good job, my students. You did really well, and I will give you a price for completing this gemstones. You are allowed to visit your families tomorrow." Napaangat ako ng ulo sa sinabi ni HM. Talaga? Di nga?
"Kyyaaah~ thank you po HM!" Masayang saad ni Fiona. She seem happy, obviously.
"Can I also visit my grandparents? With my brother?" Mahinang tanong ko na siyang nagpapatahimik sa kanila. Why? Hindi ko ba sila pwedeng bisitahin?
Ngumiti naman si HM, "Yes, of course, iha." sagot niya na siyang nagpapangiti sa akin. Yehey! Omyghad! Tamang tama namimis ko na sina Lolo at Lola! I'm sure ganoon din si Kuya.
>>>
"Ice!" Sigaw ko at agad tumakbo papalapit kay Ice na kasalukuyang nilalaro ni Kuya sa garden. Pano ko sila nahanap?
"Welcome back, my little sis. How's your mission?" Tanong ni Kuya at umupo ng naka-indian seat sa bermudas. Umupo rin ako katabi ni at pinahiga si Ice sa hita ko. Aww, lumalaki na ang baby Ice ko.
"Okay naman, Kuya. And by the way, we're allowed to visit grandma and grandpa tomorrow." Saad ko. Nakita ko naman si Kuya na napahinto saglit pero agad ring ngumiti.
"Talaga?! 'Yon oh! Miss na miss ko na rin sina Lolo at Lola!" Sabi ni Kuya at agad akong niyakap. Hindi ko mapigilang ngumiti sa ina-asta niya. Kahit ako sobrang saya rin kasi makikita na namin sina Lolo at Lola.
Narinig kong nag-growl ng mahina si Ice na nasa paanan ko kaya agad ko siyang binuhat at niyakap.
"Punta tayo ng cafeteria, sis? Kanina ko pa kasi binabantayan yang si Ice. Nagugutom na ako," Kuya said, slightly pouting.
"Timing Kuya, gutom na rin ako." Sabi ko at sabay kaming nagtawanan ni Kuya. Ramdam na ramdam ko talagang mahal na mahal ako ni Kuya bilang kapatid niya kahit hindi kami magkadugo. I'm so blessed and lucky to have him as my brother and I will treasure him forever because of that.
Cafeteria.
"Two sliced bread, two bottle of softdrinks, 2 lasagna, 2 Cups of Strawberry ice cream and one box of pepperoni pizza, please." Sabi ni Kuya do'n sa cashier. Nakita ko namang nagpa-cute kay Kuya yung tindera. Tsk! Hindi ko naman na maitatanggi na gwapo 'tong si Kuya. Peymus kaya 'yan no'ng high school days pa namin.
"I'll find a vacant table," Tumango lamang si Kuya sa sinabi ko kaya naghanap na ako ng bakanteng pwesto. Magtatanghali na kasi kaya unti-unti nang dumarami ang mga estudyante dito sa Cafeteria. Nakita ko rin sa di kalayuan sina Trixie at Fiona na kasalukuyan ring kumakain pero instead na umupo ako katabi nila ay mas pinili umupo do'n sa bakanteng upuan katabi ng glass window. Gusto ko munang makasama si Kuya.
Umupo na ako at tumingin sa labas ng bintana. I love watching views. Nakahiligan ko na ito simula pa nung bata pa ako kaya siguro sa tuwing umu-upo ako katabi ng bintana ay hindi ko mapigilang hindi pagmasdan ang labas nito.
"Here's our food, sis." Nilapag ni Kuya 'yung dalawang tray na dala niya. "Enjoy your food, sissy." Natawa ako ng mahina sa ina-asta ni Kuya. Cold at suplado si kuya sa ibang tao pero pagdating sa akin at sa pamilya namin ay nagiging childish na siya. Pareho lang pala kaming cold at suplado sa ibang tao pero pagdating sa isa't-isa ay a-akalainin mong may milagrong dumaan.
Kwento kami ng kwento ni Kuya habang kumakain. Parang ilang taon lang hindi nagkita, eh noh?
>>>
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ko. Nakahiga sa aking kama at nakatitig sa kawalan. Hindi ko na kailangan pang maghanda ng mga damit kasi alam ko naman na may naiwan pa akong mga damit do'n sa bahay namin. Sa di kalaunan ay may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Come in," Saad ko sa mababang tono. Nakita ko namang pumasok sina Fiona at Trixie sa kwarto at umupo sa kama ko. "Anong kailangan niyo?" Tanong ko.
"Wala lang. Anong oras kayo aalis?" Fiona asked. Umupo silang dalawa sa kama ko habang pinagmamasdan akong nakahilata.
"Bukas ng madaling araw. Matatagalan kasi bago kami maka-uwi do'n. Aabutin pa ng ilang oras ang biyahe namin." saad ko.
"Kakatapos ko lang magluto. Kain na tayo?" Sumang-ayon naman kami sa sinabi ni Trixie. Ilang oras na rin kasi ang lumipas bago ako huling kumain kasama si Kuya. Napagpasyahan pa kasi nami ni Kuya na mag-stay muna sa garden ng ilang oras.
Pagkarating namin sa kusina ay agad kaming umupo at nagsimulang kumain. Trixie is like our mother, really. She cooked for our meals everyday kahit halos magkasing-edad lang kaming tatlo. Maturity isn't base on your age. It is based on how you act through it.
Nang matapos na kaming kumain ay si Fiona na ang nagpresintang maghugas ng pinggan kaya dumeretso nalang ako sa kwarto ko. Wala na rin naman akong gagawin kaya mabuti pang sa kwarto ko nalang ako.
Kinabukasan.
4:00 am.
Kasalukuyan kong kasama si Kuya ngayon sa harap ng main building nitong school. Hinihintay 'yung maghahatid sa amin patungo kina Lolo at Lola. Maya maya pa ay may natatanaw na kaming isang itim na kotse patungo sa pwesto namin. Agad kaming sumakay ni Kuya sa loob kaya umandar na yung kotse palabas ng academy.
After ng mahabang biyahe ay nakarating narin kami sa bahay namin. Nagmamadali kaming pumasok ni Kuya sa loob pagkatapos sabihin no'ng driver na susunduin niya ulit kami mamayang gabi.
Napangiti ako ng malawak ng makita sina Lolo at Lola na kumakain ng agahan. Agad namin silang niyakap ni Kuya na siyang ikinagulat nila. Umupo kaming dalawa ni Kuya sa upuan namin at sinabayan sila sa pagkain.
Nakita ko namang hindi parin sila gumagalaw sa pwesto nila kaya nagsimula na akong mag-kwento. "Pinayagan po kami ni Head Master na bisitahin kayo kasi nagtagumpay kami sa mission namin kaya wag na po kayong magulat," Natatawang saad ko. Mukha naman silang natauhan sa sinabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
"Mission? Isinali ka na sa mission?" Takang tanong ni Lolo. Tumango lamang ako bilang sagot. "Pinapahanap niya po kasi sa amin 'yung mga elemental gemstones na nasa iba't-ibang lugar." sagot ko.
"Kami? Sino naman 'yung mga kasama mo? Nasaktan ka ba sa gitna ng mission niyo?" Sabi ni Lola. Hays! Feeling ko nasa gitna ako ng Q and A ngayon dahil sa mga tanong nila eh. "Kasama ko po 'yung Royalties at 'yung dalawang kaibigan ko. Syemre lola, hindi ko maiwasang masaktan sa gitna ng mission namin. Mukhang parte na yata 'yon ng mission eh, pero okay na naman po ako ngayon." sabi ko.
"Ikaw Ash? Bakit ang tahimik mo ata?" Tanong ni Lolo kay Kuya. Uminom muna si Kuya ng tubig bago sumagot. "Hindi po ako kasama sa mission nila," kuya said then continue eating.
"Ganoon ba? Hala sige, bilisan niyo ang pagkain ng makapag-bonding tayo ngayong araw." Na-excite naman ako sa sinabi ni Lolo, "Saan niyo gustong pumunta ngayong araw?" Dagdag pa niya.
"ARCADE!" Me and Kuya shouted.
>>>
"I won." nakangisi kong saad kay Kuya na kasalukuyang nakasimangot ngayon. Natalo ko kasi siya sa shooting game. Pff~ Ang epic ng itsura niya, hahaha.
"Oo na! Sige na! Bibilhan na kita ng maraming ice cream," napatalon ako sa tuwa matapos niyang sabihin 'yon. Nandito kami ngayon sa mall gaya ng napag-usapan naming apat kanina. Nakita ko sa di kalayuan sina Lolo at Lola na nagwi-window shopping. Mukhang naghahanap sila ng magandang bibilhin.
"Puntahan natin sina Lolo at Lola?" Tumango ako sa sinabi ni Kuya at pumunta sa kinaroro-onan nila Lolo at Lola.
"Tapos na kayong maglaro?" Bungad sa amin ni Lola pagkarating namin sa pwesto nila. "Saan niyo gustong kumain?" Dagdag niya
>>>
Time flies so fast to the point na hindi ko alam na mag-gagabi na pala. Nagpa-alam na kami ni Kuya kina Lolo at Lola nang makarating 'yung sundo namin. Gugustuhin ko pa mang makasama sina Lolo at Lola pero wala na akong magagawa. Isang araw lang ang binigay sa amin ni Head Master para makasama sila. Pero nagpapasalamat parin ako kasi kahit maliit lang ang oras na binigay niya sa amin ay nag-enjoy parin akong makasama at maka-bonding sina Lolo at Lola kasama si Kuya ngayong araw.
***