Tulala ako sa loob ng restaurant habang hinihintay ko si Mr. Vienno. Thirty minutes na siyang late sa meeting namin but I don't mind. Ayos lang naman ito sa akin dahil gusto ko muna pakalmahin ang aking sarili. Sa nakita ko kanina ay hindi ko mapigilang maghuramentado ang aking puso. Tila nagising ako sa malalim na pagkakahimbing. Tila ngayon ko lang naisip na hindi dapat ako nagmumukmok at naglalasing gabi-gabi. Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya kapag muli kaming nagkita. Dapat ba na ipakita kong halos patayin ko ang aking sarili at pabayaan ko na maging ganito ang hitsura ko. "f**k!" I silently cursed ng silipin ko ang aking sarili sa screen ng aking cellphone. Halos hindi ko makilala ang mukha ko. Parang tumanda ako ng ilang taon at mukhang sobrang stress kung susuriin. Daig ko pa