Maganda ang sikat ng araw ng umagang iyon. Kita ko sa labas ng bintana ang napakaaliwas na langit, tila walang nagbabadyang sama ng panahon. Ang langit ay asul na asul na pininturahan ng mga puting-puti ding ulap. Malamig ang simoy ng hangin na tumama sa aking pisngi. Malalim akong bumuntung-hininga at nangalumbaba. Sana ganito din ang pamilya namin, tahimik at maaliwalas. Hindi iyong puro nalang problema ang kinakaharap namin. Gusto ko maging mapayapa ang bawat isa ngunit imposibleng mangyari iyon. Napakaraming problema ang dumadating. Hindi namin alam kung ano ang unang reresolbahin. Una ang pagpupull-out ng shares ng ilang kasosyo nila. Pangalawa ang pagkakatanggal ng ama ni Crayon bilang CEO. At pangatlo ay hindi tumitigil ang kanyang ama sa pangungulit na pakasalan niya si Noreen pa