Papunta kami ng Hundred Islands para sa isang out of town trip. Malayo ito sa Santa Catalina ngunit ayos lang naman tutal minsan lang naman kami magbiyahe at magkaroon ng ganitong bonding kasama ang kambal namin. Sa Pangasinan ito naroroon at minsan man ay hindi pa ako napadpad sa lugar na iyon. Maging si Crayon ay gayundin, unang beses din niyang makapunta ng Pangasinan. Mabuti nalang at may mapa kaming sinusundan kaya hindi kami mawawala. Si Crayon ang may ideya nito dahil gusto niyang makapagbakasyon kaming lahat. Makalayo saglit sa problemang kinakaharap naming dalawa at kalimutan muna ito kahit panandalian lang. Tsaka on-leave siya ng isang linggo, sinamantala niya ito para makapag-unwind at makasama kami. "Love, hindi ka ba nahihilo or nasusuka? Gusto mo bang magstop over muna tayo