BRIANNA GIBBS Point of View Sa entrance ng bar, natanawan ko na si Kevin na nakatayo roon at naghihintay. May mga iilan din na kausap habang pababa ako sa kotse. Dali-dali ko siyang pinuntahan. Sinamahan na rin niya ako papunta sa private room kung nasaan sila Aiden. Habang paakyat sa private room ay kinakabahan ako at nag-aalala. Huminto si Kevin sa isang sa pintuan bago napatingin sa akin. Binuksan niya ang pintuan at pagpasok namin dalawa roon ay nanlaki ang aking mga mata. Gulat na gulat ako sa aking nakikita. Kinurap-kurap ko ang mata ko. Iniisip ko na mali at hindi totoo ang nakikita ko, pero totoo. ‘Totoo ito.’ Nakapatong si Rhian sa hita ni Aiden. Naghahalikan ang dalawa. Nakahawak pa ang kamay ni Aiden sa baywang ni Rhian. Pinigilan ko ang aking sarili kahit sobrang sakit na ma