BRIANNA GIBBS Point of View Tinitignan ko ang aking sarili sa salamin. "Ako pa ba ito?" tanong ko sa aking isip. Ibang-iba na ang itsura ko kaysa sa dati. Naitatago ng magagarang damit na suot ko ang lahat ng kahirapan sa buhay. Kapag may pera ka, hindi ka mukhang mahirap o pulubi. Kahit nababalutan ng maganda at mamahalin na damit na ito ang aking katawan, sino bang makakapagsabi na nabenta ko na ang katawan ko? Kayang linlangin ng materyal na bagay ang pisikal na kaanyuan pero hindi ang puso. Kayang itago ng mga kolorete sa mukha ang aking kalungkutan pero hindi ang mga mata ko na puno ng kawalan ng pag-asa. ‘Makakasalba pa ba ako sa ganitong kalagayan?’ Marahil ay hindi na! Nawalan na ako ng pag-asa dahil wala na ang bukod tanging tao na aking masasandalan. Ang taong minsan nalaman