Serenity POV* "Shun, lasing ka na atah." Natatawang sabi ko sa kanya. "Sinong lasing. Mahirap ang patumbahin. Pero ikaw mukhang di ka pa lasing ha. Binubuhos mo ba sa sahig ang alak?" Tiningnan niya ang sahig kung basa ba o hindi. "Mahirap akong malasing." Natatawang sabi ko. Marami na kaming nainum at kahit isa sa amin walang gustong tumigil. Masaya ako kasi sa sandaling panahon nakalimutan ko sandali ang problema ko. Lalo na itong isang toh na palatawa ang daming alam na hirit. "Hindi lang siya ang nag iisang lalaki sa boung mundo, Serenity. Maraming ibang lalaki na may gusto talaga sayo eh kung hiwalayan mo na kaya ang lalaking iyon. Di siya deserve sayo." sabi niya. Napabuntong hininga ako at inubus ang isang bote. "Beloved ko siya eh." wala sa sariling sabi ko na kinatingin