"How's work?" Buhat sa likuran ay niyakap ni Draco si Lara, kasalukuyan itong nasa lamesa at naghahanda para sa kanilang tanghalian. Tuwing araw ng Linggo ay pumapasyal si Draco sa mag-ina kaya naman nagluluto ng masarap na pagkain si Lara para rito, katulad na lang ngayon nagluto siya ng menudo. Bihirang makakain ng mga lutong bahay si Draco kaya mas lalo itong nasasabik na dumalaw kina Lara para makatikim ng masasarap na pagkain. "Ayos lang naman, marami na akong natutunan. Magaling magturo si Marie," tugon niya. "Hmm... That's good. There's a big possibility na ma-promote ka basta maganda ang performance mo. Ano kaya kung ipagpatuloy mo ang pag aaral mo ng business management? Pwede ka namang mag take ng online study para mas mataas ang chance mo na ma-promote into much higher positi

