Nang makabalik na sila sa Pilipinas ay dumiretso na sila sa kanilang bahay. Naabutan nilang naroon na si Lileth, agad silang sinalubong nito at kinuha ang mga dala ni Draco. "Saan ko po ilalagay ang mga ito, Ate?" tanong nito kay Lara, bitbit nito ang duffle bag at mga paper bags ng kanilang pinamili sa Hongkong. "Ipasok mo na lang muna ang mga 'yan sa kwarto ko," utos niya. "Sige, po," maagap na tugon nito. "Sama, Ate Leth!" Kumapit si Cayden sa braso ng kaniyang yaya at sabay na silang umakyat sa itaas. Nang wala ng tao sa paligid ay nabigla na lang si Lara ng biglang hapitin ni Draco ang kaniyang bewang. "Ay, ano ba?" gulat na sabi niya, hinampas ito ng hindi naman kalakasan sa balikat at nagkunwaring naiinis dito. Imbes na bitawan ay mas lalo lang hinigpitan nito ang yakap sa kan

