"Ang sarap talagang magkaroon ng cute na anak. Nabigyan ka na nga ng pagkakataon na makasama sa lunch ang buong pamilya ng may ari ng kumpanya, may instant makeover ka pa. Bagay na bagay sa 'yo ang bagong hairdo mo, gurl. Mas lalo kang bumata, parang nineteen years old ka lang," ani Marie na ginawa pang paikutin si Lara para makita nito pati ang likurang bahagi ng buhok ng kaibigan. "Ah, talaga ba? Salamat!" natatawa na sabi niya. Hindi siya sanay na pinupuri ni Marie. "Oh, ayan, pinuri na kita, magpa-softdrinks ka naman mamayang lunch ha! May kasalanan ka pa nga sa akin, eh. Matapos mong makilala ang chairman ng FGC (Frio Group of Companies) inisnab mo na ang beauty ko, ni hindi mo nagawa na magpaalam sa akin. Nalaman ko na lang na isinama na pala kayo sa mansion ng mga Frio." "Ikaw ka

