Kinahapunan ay lumabas ng kaniyang hotel si Greg at naisipang mamasyal sa park. May dalawang araw pa siya para maglibot sa lugar. Mauuna siyang umuwi kina Lara dahil magtatagal pa ng limang araw ang mga Frio sa UK. May bahay naman kasi ang mga ito sa Chelmsford. Matagal-tagal na rin siyang naglalakad kaya naisipan niyang maupo muna sa bench. Nakikita niya ang mga pamilya na masayang namamasyal at ang mga bata ay tuwang-tuwa habang naglalaro sa play ground. Nang masilayan niya si Lara at kung gaano kasaya at kaganda ang pamilya nito ay hindi niya maiwasan ang mainggit. Nais na rin niyang mag seryoso sa relasyon at magkaroon ng sariling pamilya. Gustong-gusto na niyang makita kung ano ang itsura ng kaniyang mga magiging anak. Nagsasawa na rin siya sa papalit-palit na girlfriend, kaya lang

