Dumiretso sina Draco sa bahay ng judge na kaibigan ng kanilang ama. "Uncle Vince, I'm so sorry disturb you. This is something urgent. We need your help," ani Draco, matapos silang harapin ng pakay. Hawak-hawak nito ang kamay ni Lara, sa likuran naman nila ay naroon si Axel na panay lang ang hikab. Parang hinihila siya ng higaan sa sobrang antok kaya ng may makita siyang upuan ay agad naupo. Hinayaan lang niya ang kaniyang mga kasama sa kung ano ba talaga ang plano ng mga ito na gawin sa kanilang buhay. "Oh, Draco, what's the problem?" tanong ng judge, isinuot nito ang may gradong salamin para makita ng maayos ang kausap. "I want you to marry us, uncle!" "As in now?" gulat na tanong ng matanda. "Yes, uncle!" mabilis at siguradong sagot ni Draco. Mahigpit na hinawakan nito ang kamay n

