Labis ang saya ni Felise nang masolo sa sasakyan si Draco. Ang totoo ay kanina pa nakaalis ang mga kasamahan niyang architect. May service na van naman ang kumpanya na maghahatid sa kanila sa site ngunit sinamantala niya ang pagkakataon na magkunwaring nasira ang sasakyan niya at naiwan siya ng service para mapilitan si Draco na isabay siya. Ayaw man niya ay ginawa niyang magpalit ng damit sa utos na rin ng binata. Kupas na jeans na hapit na hapit sa kaniyang mga hita at polo blouse na puti ang napili niyang suutin. Bago siya pumasok sa kotse ni Draco ay tinanggal niya sa pagkakabutones ang kaniyang suot na blouse. Nagtira lamang siya ng dalawang butones sa pinakababa. Sinadya niya iyon para ipakita ang kaniyang ipinagmamalaking dibdib sa binata. Pag upo pa lang ni Felise sa passenger se

