Namilog ang mga mata ng batang si Cayden sa pagkamangha. Pumarada ang sasakyan ni Ramon sa akala mo palasyo sa laki na bahay ng mga Frio. Lumabas ito ng sasakyan na buhat-buhat ang kaniyang apo. "Oh, may gwapo ka palang bisita. Who's child is that?" nagtatakang tanong ni Lorena nang salubungin nito sa porch ang asawang si Ramon at mga anak. Kanina pa nakaayos ang mahabang lamesa para sa kanilang pananghalian. "This is our grandson, Cayden. Say hi to your Lola Lorena, Cayden," utos nito sa bata. "Hi, Lola!" nakangiting bati ng bata sa ginang at kinawayan pa ito. "Huh! Are you serious, apo natin talaga ang batang 'yan?" hindi makapaniwala na tanong ni Lorena. "Yes," mabilis na sagot ni Ramon. "Sino sa mga anak natin ang ama ng bata na 'yan?" Anim na barako ang anak niya. Nahihirapan si

