Tulad ng ipinangako ni Cayden kay Hannah, humingi siya ng tulong sa kaniyang ama para mailipat ng mas magandang ospital ang lola nito. Hindi naman nagdalawang isip na tumulong si Draco. Sila ni Lara ang nag asikaso ng lahat para maisaayos ang bayarin sa ospital ng matanda at paglipat nito sa ibang ospital. Abo't-abot ang pasasalamat ni Hannah sa pamilya ni Cayden. Napakabuti ng mga ito lalong-lalo na sa kaniya. Ang buong akala ni Hannah ay magiging ayos na ang lagay ng kaniyang lola dahil alaga naman ito ng mga doktor at kumpleto sa mga gamot. Naibibigay ng mga magulang ni Cayden ang mga pangangailangan ng matanda. Ngunit, makalipas ang tatlong araw ay bumigay na rin si Lola Carmen. Binawian na ito ng buhay, dahil sa katandaan ay hindi na nito kinaya ang mga komplikasyon. Tuluyan ng nau
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


