Chapter 105-Sakripisyo at Pag-ibig*

2531 Words

Hindi mapakali si Greg. Lagi niyang sinusundan ng tingin si Laureen. Mula sa malayo ay binabantayan niya si Lara. Hanggang sa hindi na siya nakatiis at nilapitan ito. "Hi!" bati niya kay Lara. "Uy, Greg ... nandito ka rin pala. Kamusta ka na? Medyo matagal na rin simula ng huli tayong nagkita," masayang bati ni Lara sa kaibigan. Yumakap pa siya rito. "Ayos lang, medyo busy sa trabaho. Alam mo naman kung gaano karami ang obligasyon ko," tugon nito. "Oo, nga eh, subukan mo rin kasing magpahinga. Magbakasyon ka para mabawasan ang stress mo," suhestiyon niya. "Yeah, that's one of my plan, kapag natapos na ang big project ng company. Ikaw, mukhang hiyang ka sa bago mong trabaho. Lalo kang gumaganda ngayon," papuri nito. Bigla namang pinamulahan ng pisngi si Lara dahil sa papuring natangga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD