“Hindi ko alam. I’m planning to let this guy eat the leftovers, pero ibibigay na lang daw niya sa mga kasambahay.” Humalakhak si Priscilla, “Well, you can’t let him eat all of it. Napakaraming asukal niyan. Mabuti na mayroon kang asawang matulungin. Napakaswerte mo.” Ngumiti si Mel. Talaga ba? She eyed said husband. Well, ito ang nagplano sa pagkikita nilang ito at napakaganda ng kaniyang karanasan. Oo na, maswerte nga siya. Talagang pinag-isipan yata nito ang mga pangangailangan niya. But then, may sumagi sa isip niya. Kailangan pa ba niya iyong gawin? He’s definitely going beyond what’s required of him. Nang sila ay makaalis na sa café at papunta na sa isang restaurant upang doon mananghalian, naisip ni Mel na maaari niyang papaniwalain ang sarili na nagmamalasakit sa kaniya ang asa