Kabanata 9 – Ang Kanilang Kasunduan

2389 Words
Hindi inosente si Melissa. Alam niyang baka magkatikiman na naman sila ng binata kaya nagdahilan muna siya na mag-aayos lang ng ilang minuto bago siya nakipagkita sa study nito. Ginawa niyang presentable ulit ang sarili. Sinubukan niyang gawing mas kaakit-akit ang sarili, pero yung hindi masyadong halata. Pareho silang nakatira sa bahay na ito! Walang dahilan para isuot ang mga sexy niyang damit. Ang mga iyon ay karaniwang sinusuot niya kapag nagba-bar-hopping. Itinuro sa kanya ng isang kasambahay ang daan patungo sa study ni Klyde. Kasalukuyang nakaupo ito at wari’y may ginagawa sa kanyang laptop. Halos katulad ng opisina nito ang layout ng study. Bahagyang nanuyo ang lalamunan ni Melissa nang maalala ang nangyari sa pagitan nila. Sa isip, umiling siya. You need to get the upper hand in this discussion, paalala niya sa sarili. "Maupo ka." Mas relaxed ang tono ng lalaki kumpara noong nasa opisina ito. Okay, gusto niya ang kaibahang ito. Walang upuan sa harap ng desk ni Klyde kaya minabuti niyang umupo sa couch. Hinintay niya itong magsalita muli. Kinuha ni Klyde ang dokumentong inihanda ng kanyang assistant at iniabot niya iyon sa dalaga. Napataas ang isang kilay niya nang tanggapin iyon. Ano naman kaya ang palabas nito? Napakunot ang noo ni Melissa at halos maubo nang mapagtanto kung anong uri ng dokumento iyon. “Seryoso?” Medyo nainis siya. Akala niya ay ang kaniyang mana ang pag-uusapan nila. Hindi niya inaakalang mayroon itong ganitong klase ng kontrata. Okay, granted. Dapat rin nilang pag-usapan ang tungkol dito. Still, mas priority niya ang tungkol sa kaniyang mana. He squinted at her habang nakakunot ang noo. Siya ang unang nanukso sa kaniya. Bakit parang galit ito ngayon? Huminga ng malalim si Melissa para kalmahin ang sarili. “Alright. Babasahin ko muna ‘to." “The great Mr. Klyde Henderson... bed partner, huh? Do you have one in your office? O ibig mo bang sabihin ay hanggang dito lang sa bahay? No office s*x? Nothing off the bed? Hmm?” Usal niya habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa unang pahina at sinusuri ang nilalaman nito. His lip twitched. Ang daldal ng babaeng ito, halos wala namang kwenta ang mga sinasabi. Couldn’t she figure it out using common sense? Naningkit ang mga mata niya. Noong mga araw na pinuntahan siya nito sa opisina ay nakakairita ang boses nito, pero ngayon ay hindi masyado. Medyo malamyos pa nga ang tono ng dalaga. She’s both amusing and annoying. Hmm, annoyingly amusing. Nakakainis na nakakatuwa. But he must say, her words could derail his thoughts and direct it elsewhere. Office s*x? Off the bed? Hindi ito direktang nakasaad sa kaniyang kontrata dahil ayaw niyang mag-iwan ng opening para sa media na maaaring magsulat ng mga artikulo tungkol sa kaniya, kung sakaling may makakita sa kaniya na may kasamang babae or ka-date sa labas. So, yes. He only engages with his bed partner in bed. Maingat siya patungkol sa mga ginagawa niyang kababalaghan sa gabi. No strings. No feelings involved. No commitment. Just a contract. Karaniwan, ang kanyang assistant ang nagpapaliwanag ng kanyang expectations kapag nakapili na siya ng babae. Sinisigurado nito na tahimik na aalis ang babae kapag sinabihan itong tapos na ang kanilang ugnayan. Walang halong drama. Gayunpaman, he couldn’t do the same with Melissa, given the circumstances. Sa halip na ipaubaya niya sa assistant ang pag-aasikaso ay siya na mismo ang kakausap rito. Hindi naman siya bothered sa sasabihin ng ibang tao. What he told her were facts. Pareho silang nasa tamang edad at may kakayanang magdesisyon para sa kanilang mga sarili. He’s not coercing her. She offered. No foul there. Pero kailangan niya pa rin na mag-ingat. He can tell she’s mischievous. He would risk it, though. Sigurado siyang mapapasunod naman niya ito sa mga gusto niya. The contract requires it. Wala pang babaeng nanlaban sa kanya. Tiningnan niyang muli ang bihis ng babae at mas lalo pa itong nagmukhang kaakit-akit. He’s in need of someone to bed and she happened to be available. And willing. Bahagyang humalakhak ang dalaga, bagay na nakaagaw ng atensiyon niya. “Tinawag mo talagang reward, ha? Pero gusto ko lang liwanagin, manggagaling ba ito sa sarili mong bulsa? Hindi mo naman siguro ako babayaran mula sa sarili kong mana, di ba? Although this is a good deal, mas interesado akong makuha ang mana ko mula sa’yo." Siya naman ay natawa rin sa tinuran nito. “Syempre sarili kong pera ang ibabayad ko sa’yo.” Tumango si Melissa, “Mabuti na iyong nagkakaintindihan tayo. Eh paano naman iyong mana ko?” “I don’t think you fully understand. Kinokontrata kita bilang si Melissa Franklin. Walang kinalaman sa kasunduang ito ang mana mo. The terms your father set in his will would apply to that.” She pouted before raising an eyebrow. “May pagkatanga lang ako, pero may alam rin naman ako. You’re currently responsible for managing my inheritance. Sigurado akong ikaw ang nagdedesisyon kung anong gagawin mo roon. Kaunting pera lang naman ang hihingin ko linggo-linggo. Baka naman pwedeng pagbigyan mo na ‘ko?” “I’m already paying you a lot. Kailangan mo pa ba talagang humingi mula sa mana mo?” Kinonsidera na ni Klyde ang katauhan niya. Dahil siya si Ms. Franklin na sanay sa marangyang buhay, malaking halaga din ang inalok niya rito, bagay na inilagay niya sa kontrata. She must have seen it. “Of course. Mas makakampante ako kung mas marami akong pera. Malaki naman iyong mamanahin ko, hindi ba? Kahit bigyan mo lang ako ng kaunti buwan-buwan, hindi naman agad mauubos yun. Not to mention, as you said, the bulk of it is in the form of my dad’s company.” Sinipat ni Klyde ang babae. Okay, mukhang may alam nga ito. Nakapagtapos naman ito ng pag-aaral kaya hindi na rin siya nagtaka. Still, she’s sorely inexperienced in life. Dahil hindi siya nagsalita, nagpatuloy ang dalaga. “Naiintindihan ko naman iyong punto mo, na sa kasalukuyan ay hindi ko kayang pamahalaan ang ganoon kalaking kayamanan. Sang-ayon ako sayo. Kaya nga maliit na halaga lang ang hinihingi ko, di ba? Hihintayin mo talagang mag-thirty ako bago mo ibigay sa akin lahat? I can’t wait that long. At para na rin sa kaalaman mo, wala akong balak pamahalaan ang kompanya ng dad ko. Hindi ako interesado. Kung maaari sana, ibenta mo na lang.” Tinaasan niya ito ng kilay bago bahagyang lumapit. “Ganoon ba? Yan ba ang iminumungkahi mo? Sigurado ka na ba sa mga sinabi mo? Iyan ang mga gusto mong mangyari?" Pakiramdam ni Melissa ay nagwagi rin siya sa wakas nang tanungin nito ang kagustuhan niya. Umupo siya nang maayos at diretsong humarap sa lalaki. “Yes, sigurado ako.” Napatingin siya sa dokumentong hawak. Teka, magkano ulit ang ibabayad nito sa kanya? Binuklat niya iyon para mahanap ang clause na hinahanap niya. Wow. Ngayong niya lang masasabi na mukhang hindi naman madamot o kuripot ang lalaki. Ganito kalaki ang ibinabayad niya sa mga ikinakama niya? Grabe lang. Wait, gaano pala katagal ang kontratang ito? Nang tila hindi niya mahanap ang bahaging iyon, itinanong na lang niya sa binata. “Hindi bababa sa anim na buwan. Maaaring mas maikli, pero ako ang magdedesisyon noon." Sagot nito sa bored na tono at bahagyang sumandal sa upuan. “Hindi ko iniexpect na ganito kalaki ang ibibigay mo, pero wala nang bawian. Ito na yun.” Napangiti si Klyde sa tonong ginamit ng babae. She’s really amusing. “I pay much lower than that. I simply took into account your identity and offered you that amount.” “Oh, talaga? Thanks, I guess?” Hindi inaasahan ni Melissa na may pagkaconsiderate naman pala ang bwisit. “Then, pwede mo bang doblehin ang amount na ‘to? I would like to get as much from my inheritance.” Dahan-dahan lang, paalala niya sa sarili. Kapag pumayag ang lalaki, maaari niyang sabihin dito ang iba pa niyang demands. Natahimik ang binata at seryoso siyang tinitigan. “You want to quadruple this amount?” Tama ba ang pagkakaunawa niya? Ngunit umiling si Melissa. “Technically, doble lang. Ito yung manggaling sayo, tapos same amount ay manggagaling sa mana ko. Hindi ka naman lugi doon, di ba? This is already what you offered me.” Tinignan siya ni Klyde. Well, to be fair, alam niyang hindi niya mabibili ang babaeng kaharap. Nakasanayan na nito ang isang marangyang buhay, hindi tulad ng mga nauna niyang bed partners na umaasa lang sa bigay niyang malaking halaga ng pera. "Mukhang may sasabihin ka pa, sige lang." Nahalata niyang marami pa itong sasabihin with the way she changed her stance. Para itong naghahanda na makipagtalo sa kanya sa isang kaso. “Kung pwede sana, gusto kong matanggap yung pera ko at yung bayad mo on a weekly basis? At yung paunang bayad sana ay ipadala mo sa bank account ko bukas din?” Alam naman niyang impossibleng araw-arawin yun. Sobrang maaabala ang lalaki. Pero gusto niya talagang makatanggap agad bukas din, total malaki naman yung ibibigay niya. “Ano pa?” Ano pa? Hindi niya alam kung sumasang-ayon ba sa bawat kahilingan niya ang binata. Siguro? Natahimik siya saglit at matiim na nag-isip. “Well, I don’t know what you’re like in the bedroom but I’m not into b**m. Hindi ako papayag sa ganoong bagay." Bahagyang tumawa si Klyde. “That’s good, then. I’m not into that s**t, either.” Nakahinga siya ng maluwag nang marinig iyon. She only wants pleasure and the occasional pain that goes along with being rough, but not pain with the occasional pleasure. Matapos ang ilang minutong katahimikan, nagtanong muli si Melissa. "Gaano kadalas nating gagawin?" "Tuwing gabi, tuwing gusto ko, tuwing available ako." "Sinasabi mo bang may mga gabing hindi ka available?" “Yes, when I’m out of town for business trips.” “Hmm, okay.” Muli silang natahimik. Tinanong siyang muli ni Klyde, "May iba pa ba?" "Hindi ako sigurado. Paano kung may maisip akong iba later on?" "Maaari nating pag-usapan ang anumang maisip mo hanggang sa magkasundo tayo." “Sounds good.” “Siguraduhin mong basahin ang bawat linya sa dokumentong iyan. Kailangan ko ng full discretion. Kapag pasaway ka at bibigyan mo lang ako ng problema, hindi mo gugustuhing malaman kung paano ako gaganti. Huwag mo akong susubukan. You need to adhere with the contract, down to the letter." For some reason, mukha na naman siyang nananakot. Ang kanyang ekspresyon ay sapat na upang takutin si Melissa, kahit na wala siyang suot na suit. Napalunok siya bago muling itinuon ang pansin sa dokumento. Sineryoso niya ang mga salitang pinakawalan nito at muli niyang binasa mula sa simula ang kontrata. Masigasig niyang binasa ang bawat linya, tumatango sa tuwing naiintindihan niya ang nilalaman nito. “Beck and call, huh? May sariling buhay din naman ako. Di ba sabi mo maghanap ako ng trabaho? At nagtatrabaho ka hanggang gabi, tama ba? Paano yun?" “This agreement is only for nightly activities... bedroom activities. Feel free to have a life outside of that.” Ngayon ay siya naman ang sarcastic. It was uncharacteristic of him, pero hindi iyon alam ni Melissa. Mukhang nahahawa siya sa paraan nito ng pagsasalita. Pagkaraan ng ilang sandali, nakakita siya ng isa pang kawili-wiling bagay. “No talking about anything personal?” Tanong niya habang winawagayway ang dokumento sa kanyang mga kamay. "This is purely business, kung gayon?" "Hindi ako nag-e-enjoy sa mga walang kabuluhang pag-uusap, kaya hindi na kailangang mag-usap tayo during these nightly engagements." Kahit na nakakatuwa siya, nakaka-distract din ito. Ilang segundo siyang natigilan. Hindi makapaniwala si Melissa sa tinuran nito. Pero gusto niyang iniinis ang lalaki, kaya... sa loob-loob niya, ngumisi siya sa sarili. She rolled her eyes at him bago nagtanong, "Talaga? Sigurado ka ba diyan? Hindi mo ako tatanungin how I like to be touched? How hard I like my n*****s pinched? How wet and ready I am to take you in?” Her grin turned wicked as she saw how his expression darkened with clear desire. “Honey, hindi mo ba sasabihin sa akin kung paano ko dapat hawakan ang iyong katawan? To grip your length? To put my mouth on you?” Nawala na ang pagiging sarcastic niya. Ang boses niya ay purong nang-aakit. Naiimagine niya nang husto ang mga eksenang iyon sa kanyang isipan at sa hula niya ay ganoon din si Klyde. Ngunit tulad ng nakita na niya, nakuha nitong kontrolin ang sarili at pigilan ang nararamdamang pagnanasa. Bumuntong hininga si Klyde bago sumagot, "Tama ka diyan. Ang anumang bagay na may kaugnayan sa ating pagtatalik ay maaaring sabihin. That should be a given, though. You take things too literally, don’t you?" Pinaningkitan niya ng mata si Melissa. Her words stirred him up, pero kalokohan lamang ang mga iyon. She openly chuckled this time. "It’s good fun." Binigyan siya ni Melissa ng isa pang kindat. Medyo saucy this time, given how she licked her plump red lips. "You’re an excellent seductress, aren’t you?" Muling nakaramdam ng pagnanasa si Klyde, ang kanyang ibabang bahagi ay pumipintig sa pagnanasang angkinin ang dalaga. “Am I?” "Ano sa tingin mo? May kasunduan ba tayo?" Binalik niya ang atensiyon sa kontrata. "Dodoblehin mo ito at bibigyan mo ako ng parehong halaga mula sa aking mana?" Paninigurado ni Melissa. “Yes. Pero gusto kong maunawaan mo na hindi mo ako pwedeng tanggihan nang dahil lang sa may pera ka na. If I tell you to get into my bed, you will. You can’t decline my orders. At hindi ko na kailangang sabihin sa iyo kung ano ang maaaring mangyari kung maglakas-loob kang sumuway dito, hindi ba?" Napalunok si Melissa. Yeah, she got a little excited, naisip niya na maaari siyang lumayo kay Klyde kapag nakuha na niya ang pera nito at ang kaniyang mana. Teka, magkano nga ba iyon? Hindi lahat ay in cash. Gaano katagal siyang sisiping sa binata bago niya makuha ang kalahatan niyon? She’ll be seducing her inheritance out of his hands one night at a time. “Reasonable ka naman siguro? Kapag may sakit ako, hindi mo naman siguro ako pipilitin?” “Of course.” The man was beginning to feel tired talking with her. Tinatanong nito maging mga simpleng bagay na kung tutuusin ay common sense na lang ang gagamitin. Nagkibit-balikat si Melissa bago nagpasya, "It's a deal, then." /stary/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD