Napansin din naman ni Klyde ang mga pagtitig niya. Minsan ay biniro niya ito. “Ano? In love ka na ba sa ‘kin?” Kinindatan pa niya ito para alam nitong nagbibiro lamang siya. Ayaw niyang seryosohin dahil baka hindi niya magustuhan ang isasagot nito, at tama naman ang desisyon niya. “Hoy, ang kapal ha. Pasalamat ka lang kasi gwapo ka. Dahil lalaki itong magiging anak natin, gusto ko sana kasing gwapo mo.” Inirapan siya nito at medyo nainis siya roon. Sabi ko nga dapat hindi na lang ako nagtanong. Sinubukan niyang huwag na lang itong pansinin at muling tumutok sa trabaho. Napakaseryoso ng hitsura na. Alam niyang naging defensive siya. Mel felt uncomfortable. Nagbibiruan sila, di ba? Bakit biglang nagseryoso yun? Bahagya rin siyang nalungkot at nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso. Mas