"So, walang pasok sa trabaho ang asawa mo ngayon?" Tanong ni Lily habang nakaupo sila sa sala. Isa ito sa mga bihirang pagkakataon na nakabisita siya. Hindi pinapayagan ni Klyde ang kanyang asawa na lumabas nang mag-isa, saying it’s risky dahil buntis siya. Kung iisipin, lagi niyang kasama ang asawa sa tuwing aalis siya ng bahay nitong mga nakaraang buwan. "Wala siyang trabaho kapag weekend." Saad ni Mel bago uminom ng cucumber juice. Kanina ay nagkukwentuhan sila ni Klyde tungkol sa kanyang café nang dumating ang kanyang kaibigan. Na-iintimidate pa rin si Lily sa lalaking iyon, ngunit sa pagkakataong ito, nasaksihan niya kung paano nito alagaan ang asawa. Sinigurado nito na lahat ng kailangan nila ay naroon bago iniwan silang dalawa. He kind of… fussed, isang bagay na hindi niya inaasah