Nang malaman nilang walong linggo na siyang buntis, nagpasya din silang magpa-ultrasound na. Maaga pa para malaman nila ang kasarian ng sanggol, ngunit gustong marinig ni Klyde ang pagtibok ng puso nito. Napaawang ang mga labi ni Mel sa pagiging assertive nito sa pagre-request. Hindi man lang siya nito tinanong kung gusto niya. Fine, whatever. She did notice his enthusiasm. Under the surface, that is. Sapat na ang lawak ng ngiti nito para malaman niya iyon. Bihirang ngumiti si Klyde at karaniwang maliliit na ngiti ang mga iyon. This time, malawak ang pagkakangiti nito. For a moment, she was mesmerized by how good he looks. She would admit that he’s really handling the situation better than she does. Sa halip na magalit ito at madismaya sa kaniya, tanggap nito ang sitwasyon. Mabuti na rin