“It’s only for today. Enjoy it.” Napangiti siya sa sagot nito. Inaasahan na niya iyon. Ang dalampasigan ay nasa likod ng mansyon at doon sila lumabas. Sinalubong sila ng ilang matataas na puno at luntiang mga halaman na nakahanay sa daanan. "Hindi ba ako mabigat?" "Sa tingin ko ay kaya kong buhatin kayong dalawa." "Huh, pero dalawa na kaming buhat mo." She winked at him and it took him a moment to process her words. Ah, oo nga pala. Napangiti siya nang makarating sa pool bed malapit sa dalampasigan. Ano nga ba ang tawag sa kanila? Sun lounger? Ibinaba niya ito at naupo sa isa pa. Mabilis na itinapak ni Mel ang kanyang mga paa sa buhangin at bahagya pang inilubog ang mga ito. "Pwede ba akong pumunta sa tubig?" "Sige lang. Hindi pa naman malamig sa ngayon." Kinuha niya ang kamay nito