Damn, ang hirap. Sumbong niya kay Lily. Sa unang araw pa lang, nag-isip na siya agad kung hihinto ba siya. Hindi niya matandaan kung ilang beses iyon sumagi sa isip niya noong unang linggo. Tinawanan lamang siya ni Lily at sinabihang normal lang iyon.
“Ganun din ako sa unang trabaho ko. Huwag kang ma-stress. Malalampasan mo rin ‘yan. It’s not knowing exactly what to do that has you in jitters. Sigurado akong maraming tao ang nakakaranas niyan."
“Pero anong gagawin ko? Akala nila ngayon ay ang tanga-tanga ko. Hindi ko akalain na ganun karami yung ituturo sa ‘kin. Hindi pa naman ako sanay mag-multi-task. Paano ka nakakasurvive tuwing month-end sa ganoon kadaming reports?” Mukhang pagod na pagod si Mel sa puntong iyon.
Lily made a face for her to see. “Shunga ka nga. Hindi mo naman gagawin lahat yun araw-araw, di ba? Focus ka lang sa daily tasks mo. Huwag mo munang problemahin yung month-end reports. Ituturo ulit yun sa ‘yo. Sa katapusan, okay lang na magtanong ka ulit sa mga kasamahan mo. Kapag nasanay ka na, mani-mani na lang yan sa ‘yo. Pagtatawanan mo na lang yung sarili mo ngayon. Ni hindi mo maisip kung saang parte ka nahirapan. It’s a matter of practice, or in this case, experience. Pag nasanay ka na, kayang-kaya mo na ‘yan.”
“Naiintindihan ko naman yan. Ang concern ko ngayon, isang linggo na ang lumipas pero hindi ko pa rin matandaan ng maayos lahat ng dapat kong gawin. Naiirita na sa ‘kin yung mga kasama ko sa trabaho. Anong gagawin ko?”
“I think masyado kang nag-aalala. Chill ka nga lang. Did you make notes? Ihanay mo yung mga tasks mo, tapos iprioritize mo kung alin ang uunahin mo. Pagsunud-sunurin mo sila. Melissa, saan na naman nagpunta ang utak mo? Ang simple lang ha? Umayos ka. May notebook ka ba dyan, simulan mo ngayon. Now na.”
Natahimik bigla sa Melissa sa sinabi nito. Oo na. Mukhang natanga nga siya. Huminga siya ng malalim.
“Ayan, ganyan. Irelax mo yung sarili mo. Kalma lang, Mel. Hinga ka ulit ng malalim.”
Sinunod nya naman iyon bago naglabas ng ballpen at maliit na notebook mula sa bag niya.
“Go, ilista mo. Gusto mo nang chips?” Pag-aalok nito habang nakangiti. Minsan talaga kahit anong simple lang ng problema, kapag masyado kang nag-aalala ay wala kang maisip na paraan para iresolba ang mga ito. Anyway, baguhan pa lang naman si Mel. It’s understandable. She’ll learn along the way.
Humagalpak siya ng tawa nang makita ang namumula nitong mukha.
“Okay lang yan, Mel. Ganyan talaga. First time mong mamroblema sa trabaho. Sa susunod, kalma ka lang. Mas makakapag-isip ka ng maayos. Anyway, if you’re feeling sorry towards your co-workers, manlibre ka na lang ng meryenda to show your appreciation din dahil tinutulungan ka pa rin nila. Hoy, ipapaalala ko lang ulit sa ‘yo. Yung gawain mo nung college, hindi yun pwede sa workplace. Alam mo naman kung magkano lang ang suswelduhin mo, di ba? Huwag kang gagastos ng sobrang laki kung ayaw mong malaman nila na sobrang yaman mo na. Pagdating sa opisina, simple tokens of gratitude are enough. Yung mumurahin lang. Pero kung maramihan at lahatan, normally pagkain ang binibigay. Bumili ka na lang ng pizza at soda. Mag-order ka thru an app tapos ipadeliver mo na lang sa office. Gawin mo sa afternoon break. After n’yo mag-lunch, banggitin mo sa kanila. Baka mamaya umorder pa sila ng sarili nilang pagkain, sayang naman. Syempre magpasalamat ka na din agad pag binaggit mo sa kanila. Tapos magpasalamat ka ulit kapag kakain na kayo. Ganun.”
Hindi malaman ni Lily kung anong mararamdaman niya. Parang bata si Mel na tinuturuan niya kung paano makipagkapwa sa mga katrabaho. Ibang-iba kasi talaga ang naging turingan nilang magkakaklase noong college. She was known as a rich kid and was treated as such. Hindi oobra yun sa workplace.
Anyway, mukha naman interesado talaga itong magtrabaho kahit maliit lang yung kikitain niya roon.
“Mel…” Tawag niya rito. May idadagdag pa sana siya.
“Oh?”
“Mas maganda kung ililibre mo sila sa huling araw na aabalahin mo sila. Yung sigurado ka na the next day ay hindi mo na sila masyadong aabalahin. In a way, para alam nila na nagpapasalamat ka lang talaga at hindi nanunuhol.”
Napangiwi si Melissa sa huling tinuran ng kaibigan. “Suhol talaga?”
“Naku, ingat ka sa mga kinikilos mo. Huwag kang masyadong nakikipagkwentuhan kapag oras ng trabaho. Siguraduhin mo na tapos mo yung tasks mo bago ka umuwi sa hapon.”
“Yes, Ma’am. Alam ko naman ‘yan.”
“Good. Kailan mo naman sila balak ilibre? Baka pwede akong makahingi ng isang slice ng pizza?”
Natawa si Melissa sa tanong nito. “Oo na, bibigyan kita. Baka sa Friday, para sure. Sa kasunod na linggo, siguro naman ay kaya ko na.”
“Okay. That’s good. Oh, di ba? Mas maganda kapag may maliwanag kang plano? You know what to do. May planner ka? Ilista mo ‘yan. Baka makalimutan mo, naku.”
Niyakap ni Mel ang kaibigan bago sila maghiwalay. Kailangan na niyang umuwi. Pagtingin niya sa kanyang phone ay mayroon doong isang missed call mula kay Klyde. Dali-dali siyang nagpadala ng text message dito.
Anong oras na ba? Maaga pa naman ah. Alas nuebe lang.
Alam niyang hindi siya nito bibigyan ng oras para magpahinga. Pagkarating niya sa bahay ay dumiretso siya sa kwarto ng lalaki. Nagsimula itong maghubad habang siya naman ay nagkwento rito. Inulit niya lang naman yung mga sinabi niya kay Lily. Wala lang, gusto niya lang banggitin sa binata. Klyde maintained his frown as she kept grumbling to him. Hindi niya akalain na magagawa pa rin nitong magdaldal tungkol sa trabaho niya kahit labas-masok na siya sa p********e nito. Bagama’t umuungol ito ay nagagawa pa ring magsalita.
“You do realize I’m not interested in hearing those things, don’t you?” Sambit niya habang sinasagad ang pag-ulos.
Sinamaan siya ng tingin ni Melissa. "Can’t you at least commiserate with me? Payuhan mo ‘ko. Hindi ba sa ilalim ka rin naman nagsimula? Nagtrabaho ka rin naman para sa ibang tao, di ba?”
He grunted before moving her closer to the headboard and adjusting their position.
“Wala akong panahon para diyan. Payo? Basta gawin mo lang ang trabaho mo."
Pinandilatan niya ito ng mga mata bago hinawakan ang matipunong dibdib nito. She likes touching his hard muscles.
“If anything, why don’t you motivate yourself with the reward na napagkasunduan natin? O nakalimutan mo na ba iyon?"
Well, shoot. Nanlaki ang mata ni Melissa bago ito muling napaungol. Sa sandaling ipinaalala iyon ni Klyde, ipinasok rin nito ang kahabaan nito sa loob niya, dahilan para muli niyang maramdaman na napupuno siya nito. Natuwa si Klyde nang sa wakas ay natigil rin ito sa pagrereklamo.
Nang sumunod na linggo, naging mahusay na si Melissa sa kaniyang trabaho. At gaya ng iminungkahi ni Lily, nang sumapit ang Biyernes ay nanlibre siya ng meryenda. Nagpasalamat siya sa kanilang pagtitiis sa kabagalan niyang matuto. Isa siya sa iilang tao na kayang aminin ang kanilang mga kahinaan, humingi ng tulong sa iba at taos-pusong magpasalamat. Mas nagustuhan siya ng kaniyang mga katrabaho pagkatapos noon. Isa pa, talagang mas maayos na siya ngayon. Kumpara sa unang linggo niya, kumbaga.
That weekend, napansin ni Klyde na tila mas masaya siya kaysa noong nakaraang dalawang linggo. At hindi na rin siya gaanong nagmamaktol.
"Naka-adapt ka na sa trabaho, tama ba?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong habang kumakain sila ng hapunan.
Ngumiti siya rito. “Oo. Ang galing ko, di ba? I actually survived. To think na muntik na rin akong sumuko. Pakiramdam ko ay ilang buwan na ang lumipas kahit dalawang linggo lang talaga. Nakakapagod, pero ngayon, okay naman. There’s this feeling of accomplishment.”
Nakakatawa ang mga ekspresyon niya habang nagsasalita. Well, she's back to being positively talkative. Mas gusto ni Klyde na makita iyon kaysa nakakunot ang noo nito at walang tigil ang pagrereklamo.
“Mukhang may natutunan ka naman. Mabuti yan." Actually, he’s having mixed feelings. Bakit pakiramdam niya ay pinapalaki niya ang batang ito? It’s a weird feeling. Hindi niya aaminin sa dalaga pero he’s feeling proud of her in that moment. Oo, maliit na bagay, pero malaking improvement na iyon para rito. She’s finally doing something significant with her life. No longer lazing around at home or wasting money left and right.
"Huwag mo sanang kalimutan na mag-ipon." Hindi niya maiwasang paalalahanan ito.
“Ay, siyempre. Natutunan ko na yan." Kinindatan siya nito. Sino ang mag-aakala na kaya niya palang mabuhay gamit lamang ang maliit na halaga? Hindi na siya gaanong magastos mula nang tumira siya sa pamamahay ni Klyde. Tuwang-tuwa ang kanyang bank account sa sitwasyong iyon. Inalok pa nga siya ng credit cards at kung anu-anong klase ng bank loans pero tinanggihan niya. Unti-unti lang uubusin ng interest ang kaniyang pera. She talked to him about this discovery at medyo nagsisi si Klyde na pinasimulan niya ang kanilang pag-uusap. Masaya itong nakipag-kwentuhan sa kaniya.
Natuwa naman si Melissa sa kanyang miserableng ekspresyon. Na-miss niya itong makita. Ngayong naging normal na ang kanyang sitwasyon, maaari na siyang makipagkulitan ulit dito.
Nang masaya itong tumawa, alam ni Klyde na maayos na muli ito. Bakit nga ba siya nag-alala? Ngayon, bumalik na ito sa pagiging nakakainis. Nagsisimula na siyang umasa na magkaroon ulit ito ng mga problema para mapunta ang atensyon nito sa ibang bagay, sa halip na sa kaniya.
That night, she was game to play with him. Nakipagsabayan ito sa kaniya at pumayag pa nga itong lumampas sa kanilang napagkasunduang limitasyon. Well, that’s an upside na sinamantala niya.
Her weekend turned very relaxed. Nag-shopping siya kasama si Lily. Her friend gave her a funny look nang bumili lamang siya ng isang pares na doll shoes.
“Sumasakit ang paa ko kapag madalas akong maglakad sa loob ng office. Hindi na ‘ko magsusuot ng heels.” Paliwanag niya.
Natawa na lamang si Lily sa defensive nitong paliwanag, “Ayos lang yan. Wala namang company policy against flat shoes. Anyway, mas maganda kung papasok ka pa rin na naka-heels. Tapos pagdating mo sa office, itong doll shoes na ang suotin mo. Mas komportable. Iwan mo na rin sa cubicle mo kapag uuwi ka para hindi mo bitbit palagi. Pag pinapatawag ka ng boss mo sa opisina niya, suotin mo ulit yung may heels para mas professional kang tingnan.”
“Oh, okay. Ganoon ba ang ginagawa mo?”
“Oo naman. Karamihan, ganoon ang ginagawa.”
Pumunta sila sa isang family restaurant at nag-order ng pansit. Na-miss niya ang lasa ng partikular na pagkaing ito. Isa ito sa mga paborito niya. Medyo mahal pero she let herself indulge a bit. Ngayon lang ulit, dahil muntik na siyang maubusan ng pera.
Ang sumunod na mga linggo ay naging madali. Naging komportable na siya kasama ang kanyang mga katrabaho. Hindi naglaon ay napagtanto nila kung gaano siya kakulit. She's funny in her own way, though she toned down being annoying. Ang trabaho ay trabaho, kaya nakikipag-kwentuhan lamang siya sa kanila tuwing break. Pinaalalahanan siya ni Lily na huwag abalahin ang sinuman kapag may ginagawa sila. Hmm, she reminds Mel of her mom. Medyo nagger kasi, paulit-ulit na nagpapaalala sa kanya ng pare-parehong mga bagay. It used to annoy her to death. May mga pagkakataon rin na sumasagot siya at pinapakiusapan ang ina na manahimik. Not her proudest moment.
Unti-unti, naging malapit rin siya sa iba pang empleyado mula sa mga kalapit na departamento. Ipinakilala siya sa mga ito sa tuwing lumalabas sila para sa meryenda o tanghalian. Sa ngayon, gusto naman ng lahat ang kanyang ugali. Nagbibiro pa nga siya kung gaano siya kabagal noong simula. This did not make anyone uncomfortable. Naging running-joke na ito para sa kanila, lalo na’t nakakatawa si Melissa sa tuwing sasabihin iyon para kutyain ang sarili.
Hindi nagtagal ay may ilang mga lalaki na naging interesado sa kanya. Nang malaman nilang single pa siya, may ilan na sinubukang anyayahan siyang mag-date. Nagulat siya at natawa sa mga imbitasyon. Tumugon siya sa pagsasabing plano niyang mag-focus muna sa kanyang career.
Pero ang tototo, naalala niya na may exclusivity clause ang kontrata niya kay Klyde. She can’t involve herself with another man while engaging with him. Bukod roon, hindi rin naman niya ugali na sumiping sa iba’t ibang lalaki sa parehong panahon. That’s her personal limit. Okay lang sa kaniya na ginagawa iyon ng ibang tao, pero siya… hindi niya kayang gawin. One at a time, kumbaga. There’s just something about it that makes her feel bad and guilty. Parang cheating din ang dating sa kaniya, if it was a serious relationship. And logically speaking, makakagulo lang ito sa hinaharap kung sakali. She’s not entirely stupid.
Gayunpaman, may isang lalaki na tila mas pursigido kaysa sa iba. He’s vocal about it. Alam ng lahat ng mga katrabaho niya na ini-invite siya nito na makipag-date. Her sassiness allowed her to dodge the bullets and she kept brushing him off. Wala siyang pakialam. Pero mas lalo lamang itong naging insistent. Medyo nakakainis na. Kahit hindi na niya ito nginingitian, patuloy lang ito sa ginagawa. Oo nga at gwapo siya, pero hanggang doon lang ‘yon. May trabaho siya and he’s outspoken. Mukhang outgoing din. Ngunit ngayon, kinakikitaan niya ito ng kahambugan at kayabangan. Nakakairita na.
Nang magsimula siyang magreklamo tungkol sa lalaki sa kanyang mga katrabaho, ang ilan sa kanila ay sumang-ayon sa kanyang opinyon. Tapos, may nagbahagi pa ng mas nakakairitang bagay.
“Balita ko ganyan siya sa ilang babae dito sa building natin. Hindi lang ikaw. Ganyan din siya kay Venice mula sa sixth floor, kay Lily mula sa tenth floor, at kay Helena mula sa fourteenth floor. I'm sure meron pang iba." Isinalaysay ni Carol ang tsismis sa kanila.
“Lily?” Alam niya na ang kaibigan niya ay nagtatrabaho sa ikasampung palapag ng gusali. Napataas ang kilay niya at madaling basahin ang kaniyang reaksyon.
"Kilala mo? Sa pagkakaalam ko, isa lang ang may pangalang Lily sa tenth floor."
“Kaibigan ko. Magkaklase kami noong college. Siya talaga ang nagsabi sa akin tungkol sa vacancies dito noon, kinumbinsi ako na mag-apply dito."
"Oh, pwede mo siyang tanungin. That guy seemed like a total player. Gwapo nga, but something’s off with him."
/stary/