It was fun. Labis na nasiyahan si Mel sa kanilang paglalaro noong umagang iyon. Pagdating sa trabaho, binigyan niya ang sarili ng bagong misyon. Hindi lang makakuha ng excellent performance rating, kundi makahanap din ng matinong lalaki sa dami ng mga nakakasalamuha niya roon. Mayroong ilang maituturing na cute, at mayroon ding mga gwapo talaga, lalaking-lalaki ang dating. Muntik na niyang i-entertain ang isang may asawa na. Buti na lamang at may nagsabi sa kanya. Buti na lang, may nagmamalasakit pa rin. Nakakaloka. Lantaran niyang kinainisan ang isang iyon. How dare he try to make her a mistress? Sa puntong iyon, napag-alaman ng karamihan ang kaniyang sassy personality. Ilang kalalakihan ang naging interesado sa kaniya dahil doon. It was a kind of spice in a woman. A bit of fire and fi