Lumipas ang ilang araw at sa tuwing sinusubukan ni Mel na pihitin ang knob sa study ni Klyde, naka-lock pa rin ito. She would pout but she never asked him directly. Tinanong niya ang mga kasambahay at natiyak naman niya na hindi ito nagdadala ng ibang babae roon. She doesn’t do it quietly. Sa tuwing susubukan niyang buksan ang pinto ay kinig na kinig ni Klyde ang pag-alog ng door knob. Alam rin nito na siya lamang ang gumagawa noon. Nang makalipas ang linggong iyon, muling nagdesisyon ang binata. It’s not working anyway. Makalipas ang ilang araw ay nakaugalian na iyon ni Mel. Sa tuwing pupunta siya sa kusina para kumuha ng kung anuman, susubukan niyang pihitin ang knob na iyon. Nagulat siya nang sa wakas ay bumukas rin iyon. “Aba, himala.” Ngumisi siya at nakaramdam ng pagkapilya. Ipi