"Magpapakasal tayo." Kinaumagahan, pagkatapos nilang mag-almusal, sinundan siya ni Mel papunta sa kanyang study. Ito ang sinabi niya pagkatapos nilang magkaharap sa couch. Kagabi, hindi niya inaasahan na tuluyan itong makakatulog. Marahil ay dahil sa sobrang pag-aalala kaya ganoon ang naging reaksyon nito pagkatapos umamin sa kaniya. Hindi naman siya nagmamadali na makipag-diskusyon dito. Sa katunayan, mahabang oras din ang ginugol niya kagabi upang mag-isip. Sa ngayon, ang kailangan nilang gawin ay magkasundo kung paano nila haharapin ang pagdating ng bata. Napatitig ang dalaga sa kanya nang marinig ang sinabi niya. “Ha? Paano naging solusyon iyan? Hindi naman kailangan, di ba?" She’s firm about this. Hindi nila kailangang magpakasal. Kumunot ang noo ni Klyde. Sa una pa lang ay tumat