"Hi, girl!" Patakbong lumapit si Leia sa akin. Medyo matagal na rin kami huling nagkita. Mga one week din siguro, to think na sa isang university lang kami ha. Sobrang busy kasi nito, hindi na nakakasabay ng lunch. Yumakap ako sa kanya at sabay kaming naglakad patungo sa cafeteria. Tahimik ang buong cafeteria nang pumasok kami. Akala ko ako lang ang nawi-weirdo-han pero pati rin pala si Leia dahil agad kaming nagkatinginan at halos sabay na nagkibit ng balikat. Sa isang side ay namataan namin si Paris at Alexa, kumaway ang mga ito sa amin kaya agad kaming lumapit. Inikot ko ang paningin. Pero halos lahat ay nakatingin sa iisang direksyon. "Stop it!" Brandon's voice filled the whole place. Dahan-dahan akong umupo sa upuan kung saan nakapwesto sila Alexa kanina. "Anong meron?" I heard