"Anong ginawa mo nitong mga nakaraan? I mean, back when we stopped talking." Wala na kami ngayon sa pinagkainan namin. Pero naroon lang din kami sa malapit. The view is almost the same as the one earlier, breathtakingly gorgeous. Nakaupo kami sa malaking bato habang dinadama ang kapayapaan ng mundo. He let out a soft chuckle, yung tawa na parang nahihiya pero ang sexy pakinggan. Napangiti tuloy ako kahit wala pa siyang sinasabi, 'wag niya lang sabihin sa akin na babae ang pinagkakaabalahan niya dahil sasama ang mood ko. Alam ko na wala pa kaming label ngayon at wala rin naman akong balak madaliin kung ano man ang meron kami ngayon but I know that when the right time comes, when things are already in their proper places, we'll find time to figure everything out and talk in a more personal