"OMG! You're kidding, right?" He laughed. "Ayaw kong magyabang pero hindi ko rin in-expect na sa dami ng artwork ay yung dalawang inilagay ko pa ang mapapansin mo." Ni hindi ko nga maproseso lahat ng nangyayari ngayon tapos sasabihin niyang yung binili kong painting ay siya rin ang gumawa? May kiliti akong nararamdaman sa bandang tiyan. How weird. There is this certain connection between us that we never knew until now. "Paano mo nalaman na gusto ko iyon?" "I was looking at you." Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang pagngiti pero hindi ko na yata maiiwasan iyon. "It was weird to see you there. Hindi ko in-expect na dadalo ka." "I love the painting." I caught his eye. "It reminds me of you." Akala ko manginginig ako at iiwas ng tingin sa kanya pero hindi. Nanatili ang tingin