Breathe in. Breathe out. Sampung minuto na ang nakalipas mula nang i-post ko ang blog ko. It's 1:00 in the morning. Tingin ko ay hindi na ako makakatulog nito sa kaba. Hindi muna ako nag-post sa other social media platforms, maya-maya na lang siguro kapag sumikat na ang araw. I posted all of my designs in there. I wrote in there that I am doing this also because I want to inspire women and teenagers that we can still express ourselves and be fashionable even in simple pieces we have in our closet. Naglagay rin ako ng time-lapse video kung paano ko ginawa yung jumpsuit na sinuot ko last week. Like Vad has said, naglagay rin ako ng mga future plans ko. Nakakakaba dahil alam ko na hindi naman lahat ay magugustuhan ang mga gawa ko. Some may think I am pathetic and a trying-hard designer pe