Kumikirot ang dibdib ko sa sinabi niya. Ganon na katagal? And he didn't even approach me even once? I mean, not that I want him to, pero kung totoo iyon, bakit hindi siya lumapit? "In fairness, pwede ka ng maging writer sa mga kwento mo," sabi ko para pagaanin ang hangin sa pagitan namin. His eyes remain steady and he looks like he's not in the mood for a laugh. Ngumuso ako. "Ang seryoso mo naman. Pero kung totoo nga, bakit hindi mo ako nilapitan?" "Ewan ko rin," he shrugged. "Takot? Kinakabahan? Natotorpe? Hindi ko alam kung ano ang dahilan." I bit my lower lip. Actually a few months ago, napapansin ko na na baka may gusto siya sa akin pero ayaw ko rin naman mag-assume. At hindi ko na rin in-entertain ang idea na iyon dahil na kay Vad ang focus ko. And here he is, confessing everything