Almost three days akong absent dahil sa nangyari. Kumalat ang insidenteng iyon ng hindi inaasahan. Hindi naman eksakto ang alam nilang detalye pero ang alam nila ay may nang-harass sa akin which is somewhat true. Mas maganda na rin na hindi na madamay ang pangalan ni Aud. She has a special condition. Gustuhin ko man siyang bisitahin ay pinili ko na lang din na huwag. She might hurt me again or I might remember that night again. Ayaw ko na muna makasakit at masaktan. I want my peace and now that she's no longer here, I hope I can achieve it, I hope I can find my peace. "Hi," Paris greeted as soon as we saw each other. Katatapos lang ng last period namin ng umaga at si Alexa ay nagpaalam dahil may lunch meeting ang parents niya na kailangan daw nila sumama ni Axel. Ngumiti ako sa kanya