KINAUMAGAHAN ng gabing ‘yon, maaga palang at naglalakad ako sa corridor kadarating ko palang sa eskuwelahan ng tinawag ako ng nakasunod lang pala sa akin na si Clara. “Maam Jasmine!” Nilingon ko ito at nakita ang ganda ng ngiti nito. Tila din kay ganda ng mood nito na kasing ganda ng sikat ng araw sa umagang ito. Masigla itong tumakbo patungo at papalapit sa akin habang nakahawak sa backpack na suot niya. “Clara, hi!” masigla ko ring bati sa kanya. “Good morning po,” sinabayan na ako nito sa paglalakad. “Good morning,” I greeted her too. “Maam, thank you po, ah?” Tiningnan ko siya habang naglalakad kami. “Thank you? Para saan?” “Kasi po nag-message na si Stanley sa akin kagabi. He initiated the conversation first by telling sorry sa inasal niya sa akin during your given activity sa