Diego gently held both of my arms before speaking, “I could see it in your eyes. No’ng makita ko pa lang siya, alam ko na kaagad na siya ‘yung first love mo. Hindi mo pa man sinasabi sa akin, pero nababasa ko na sa mga mata mo ang pagbubunyag sa ‘yo ng puso mo. And I was even so sure about it when Stanley told me you were one of his teachers back then. Ngumiti pa siya ng pabiro bago humirit, “I couldn’t blame him, though. Malamang kung naging magkaklase kami noon at isa ako sa mga naging estudyante mo, I would have challenged him for a tight competition to win your heart and attention.” I pouted a bit. Kung sa ibang pagkakataon, hahalakhak malamang ako sa hirit niya pero hindi ngayong seryoso ako at involved ang isang tao dito na naging malaking parte ng nakaraan ko. “Ngayon alam mo na