KINAHAPUNAN at may P.E subject ako sa klase nila. As usual, he was on the doorway of their classroom, nag-aabang sa akin at sa pagdating ko para salubungin ako. “Good afternoon, Maam,” masigla pang bati nito. “Afternoon,” simpleng sagot ko lamang nang hindi tumitingin kanino man tapos bahagyang iniiwas sa kanya ang mga librong dala-dala ko nang akmang tatangkain sana niyang kuhanin para tulungan ako at siya na mismong magdala para sa akin. “No need. Thanks.” I didn’t dare to look back when I walked pass him pero alam at ramdam ko ang bigong mga mata niyang nakasunod sa akin habang tuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa teacher’s table. “Everybody kindly be settled,” I requested formally to everyone. Lahat naman na sila sinunod ako at naupo na sa kanya-kanyang mga chairs. “Good aft