“NAGMERYENDA lang po sa labas, la. Napasarap po kayo yung kuwentuhan namin ng kasama ko kaya medyo ginabi kami dahil hindi na namin namalayan ang pagdaan ng oras. Pasensya na po,” paliwanag ko. “Kasama? Dalawa lang kayong lumabas o may ibang mga kasama pa kayo?” Mukhang alam ko na kung saan papupunta ang usapang ito pero mas pinanatili ko pa rin ang maging honest kaysa sa ang magtago o ang magsinungaling sa lola ko. “Dalawa lang po kami, la. Kasamahan ko po siya sa trabaho. Teacher din po.” “Lalaki o babae?” mas lalong naging tunog-imbestigador ang kanyang tinig. “Lalaki po, lola.” Ang akala ko’y magagalit siya’t magsasabihan ako ngunit nabigla ako nang makitang mag-aliwalas pa nga lalo ang kanyang mukha at mga mata sa sinabi kong lalaki ang kasama kong nagmeryenda. “Boyfriend mo ba