“SINO ba ‘yang ka-text mo at mukhang wiling-wili ka sa kanya?” nakangiti na ring usisa ni lola Maring. Nakangiting umiling lang din ako. “Ka-chat po, la. Moderno na po sa panahon ngayon, ‘di na masyadong uso ang text. Mas laganap na po ang chatting sa f*******: Messenger and any social media platform.” “Syea. Kayo-kayong mga kabataan ang nagkakaintindihan sa mga ganyan. Napag-iiwanan at matanda na nga talaga ako, at hindi na ako nakakasabay sa uso,” biro pa niya. Marahang humalakhak nga ako. “Grabe! Hindi pa naman kayo masyadong matanda, la! May edad lang po, oo, pero ‘di pa naman masyadong matanda, eh. May asim pa nga po kayo, eh!” Tawang-tawa naman ito na marahang hinampas pa ako sa braso. “Ikaw talaga! Kung anu-anong sinasabi mo at binobola mo pa ako, apo ko!” Defensive na umiling