HINAYAAN ko na lang kahit noong naupo na si Clara sa tabi niya to talk and coordinate with him on what to do. Ang activity ko kasi ay basic acting depicting abstractions, at 2 to 3 abstractions per pair lang naman ang gusto kong ma-showcase nila sa klase. That’s to make sure na lahat sila naiintindihan ang lessons ko on the way they will perform and participate on my given activity. Napadako naman ang mga mata ko sa iba pang classmates nila, may ibang nagpaplano pa. May ibang nagre-rehearse na, may iba pa ngang nagtatawanan na sa naiisip na gagawin. “Ano na lang, pare, friendship saka love, pare! Kunwari BL tayong dalawa, yung gano’n ba. Para unique!” loko-lokong suhestiyon pa ni Jude kay Noah. Sinapok naman ito ng huli. “Gago ka ba? Ayoko nga ‘no! ‘Di kita type! Hahahahahaha! ‘Di tayo